Pagkalabas ni Jai sa banyo ay kaagad na hinanap ng mga mata niya si Meygan. Natagpuan niya itong nasa higaan na. "Did you call them?" pagtanong ni Jai sa kaibigan. Marahang umiling si Meygan habang nakatingin sa ibaba ng kinahihigaan niya kung nasaan si Jai. Ang mga magulang niya ang tinutukoy ni Jai. Nagpasya kasi siyang 'wag na muna silang tumuloy sa kanila matapos ng nangyari kanina—noong makita nila ang kaniyang stepfather at si Trina na kausap si Third. Wala naman sanang problema, ang kaso ay halata nilang tila umiwas si Third nang tanungin nila ito. "Anong plano mo?" tanong muli ni Jai habang tinutuyo sa tuwalya ang basang buhok nito. "Hindi ko alam..." napabuntunghininga at may lungkot na sagot ni Meygan. "Natatakot ka?" panghuhula ni Jai. Bilang kaibigan ay madalas na alam niy

