Kanina pa paikot-ikot ang mga mata ni Meygan dahil may hinahanap ito. Si Jai naman ay halatang kinakabahan. "Uy, Meygan, 'wag kang magwa-warshock ha?" alanganin ang pagngiting ani Jai. "Kakausapin ko lang siya," tipid namang sagot ni Meygan. Maglalakad na sana ulit sila nang bigla nilang marinig ang boses ni Cailer. Kaagad na lumapit si Cailer sa kanila. "Sabay na tayong mag lunch," maluwang ang pagkakangiting ani Cailer. "Ah... Pasensiya ka na, Cailer, ha? Pero may importante kasi kaming gagawin ni Jai, eh. Hindi kami makakasabay sa 'yo," mabilis na sagot ni Meygan. "Ganoon ba," tila lumungkot naman ang mukha ni Cailer. "Oo. Sige, mauna na kami," hinila na kaagad ni Meygan si Jai. Pero hindi naman kaagad sumunod si Jai. "Sandali lang," ani Jai at lumingon kay Cailer, "nakita mo ba

