Nakamasid lang si Jai kay Meygan kinagabihan. Nakayukyok kasi ang ulo ni Meygan sa unan habang sunod-sunod naman ang pag-vibrate ng cellphone nito. Hanggang sa hindi na nga nakatiis si Jai. "Meygan, pulutin mo na 'yang cellphone mo. Hindi ako mangungulit sa 'yo sa kung anong sinabi ni Third. Just don't ignore your cellphone, baka importante 'yan," malumanay na sambit ni Jai. Bigla namang tumihaya si Meygan ng pagkakahiga ngunit hindi pa rin naman nito pinansin ang cellphone sa kaniyang tabi. "Hindi ako umiiwas sa 'yo kung mangulit ka man. Ayaw ko lang talagang replyan si Cailer," may halong inis na sagot ni Meygan. Hindi dahil inis ito kay Jai kundi dahil naiinis siya kay Cailer. Alam niyang mababaw ang dahilan niya para mainis sa lalaki, but given her age, sinusubukan niya namang intin

