Tahimik lang na nakamasid kay Meygan ang kaibigang si Jai nang gabing iyon. Nasa harapan ng kaniyang computer si Meygan at makikita ang inis o galit sa mukha niya. "Meygan . . . baka naman kumalas na iyang mga letra sa keyboard mo, ha..." May pag-aalangan man ay sinubukan ni Jai na daanin sa biro ang pagpuna kay Meygan. Tinapunan naman ng tingin ni Meygan ang kaibigan. Likas na sa kaniya ang tila pag-irap sa kaibigan sa tuwing mayroon silang pinagtatalunan o sa tuwing may mga sinasabi ang kaibigan sa kaniya. "Bakit ka ba nagpadalos-dalos? Bakit mo ba sinabi iyon kay Tan?" pagtanong na lamang ni Jai sa kabila ng pag-irap ni Meygan. Bumuntonghininga si Meygan bago isinara ang kaniyang laptop. Nang maisara iyon ay iniusog niya nang kaunti at nangalumbaba naman siya sa mesa. Matapos ang na

