May limang minuto rin ang lumipas sa library habang nagbabasa si Third habang si Meygan naman ay nakapangalumbaba lang nang may umagaw ng atensiyon nilang dalawa. "Meygan?" Nanlaki naman ang mga mata ni Meygan kahit na hindi niya pa nakikita kung sino ang nagsalita. Sa boses pa lang ay kilalang-kilala niya na ito. "Puwede ba tayong mag-usap sa labas?" Napalunok si Meygan bago nilingon ang nagsasalita. Sinubukan niyang tapangan ang kaniyang mukha. Si Third naman ay nagpapalipat-lipat lang ng tingin sa kanilang dalawa. "Why?" may tigas sa boses na tanong ni Meygan. Malaki rin ang naitulong ng pagkakasali niya sa SSG dahil medyo nabawasan na ang pagiging tulala niya sa tuwing nakikita ang iniidolo niyang miyembro ng basketball sa eskwelahan nila. Bigla namang umubo nang bahagya si Third

