Pagkabukas na pagkabukas ni Jai ng pinto ng dorm nila ay ang nakabusangot na mukha ni Meygan ang bumungad sa kaniya. "Saan ka galing? Akala ko umuwi ka na kaninang nag excuse ka sa klase?" tanong ni Jai sa kabila ng nakasimangot na mukha ni Meygan. Hapon na noon at tapos na rin ang pang hapon na subject nila kaya nakauwi na rin si Jai. Naupo naman muna si Meygan bago niya sinagot ang kaibigan, "Nakasabay kong nag lunch si Cailer," anito at saka siya nag face palm. Namilog naman ang mga mata ni Jai sa narinig sa kaniya pero kaagad din siya nitong tinaasan ng kilay, "Weh? Totoo?" "Alam kong 'di ka maniniwala," sagot kaagad niya at saka tumayo upang kumuha ng bihisan. "So ano namang dahilan?" Nilingon niya muli si Jai, "Tuloy ang pagiging SSG officer ko," pagkatapos ay ikinwento niya na

