Five-one pm... Sunod-sunod na buntonghininga ang pinakawalan ni Meygan nang makita kung anong oras na. Nasa dorm siya nang mga sandaling iyon. Kanina pa siya paikot-ikot dahil hindi niya alam kung pupunta ba siya sa SSG office. Ayaw niya iyong posisyon na napanalunan niya and at the same time, ayaw niya iyong consequences na sinasabi lalo pa at hindi niya alam kung ano ang mga iyon. 'Lord....' usal niya na napatingala pa. Maya-maya sa biglang pagpihit nito ay saktong ang pagbungad naman ng kaibigang si Jai. "Jaiiiii!!" mangiyak-ngiyak niya itong tinakbo at mahigpit na niyakap. "Jai, bakit ngayon ka lang. Ang dami kong pinagdaanan dito. Muntik na akong mabaliw. Muntik na akong pumangit sa stress!" Malakas nitong sabi. "Teka, teka," bahagya siyang inilayo ng kaibigan, "hindi ako makahi

