Pabiling-biling sa kaniyang higaan si Meygan nang gabing iyon. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang naging encounter nila kay Cailer kanina. Higit sa lahat, palaisipan sa kaniya kung hindi ba talaga alam o wala bang ideya si Cailer na nagpapanggap lang sila ni Third. Sa tono kasi ng pananalita nito ay tila tama ang kaniyang hinala. "Meygan, matulog ka na." Napangiti naman bigla si Meygan nang marinig si Jai. Sa boses ng kaibigan ay tila antok na antok na ito. Hindi siya sumagot sa kaibigan sa halip ay bumangon siya at bumaba. Nang makababa na siya ay hindi nga siya nagkamali sa hinalang tulog na talaga si Jai. Kung paano nakapagsalita ang kaibigan kanina ay sigurado siyang nananaginip na lang iyon. And mukhang siya ang panaginip. Kaagad na siyang lumapit sa kinalalagyan ng laptop niya

