Bago matapos ang araw na iyon ay hindi kinalimutan ni Meygan na magpasalamat kay Third. Kung hindi dahil dito hindi man lang sana siya nakasagot kay Wyncy. "Salamat talaga, Third ha? Ang laki-laki na ng utang na loob ko sa 'yo," sinserong wika niya kay Third. "Hmmmm... Baka naman mauwi kayo sa totohanan na ha," may panunudyo namang wika ni Jai. "Jai, 'wag kang malandi riyan ha," pabirong irap niya sa kaibigan. "Naku, malabo namang mauwi sa totohanan 'to," natatawa namang segunda ni Third. Nagkatinginan tuloy sila ni Jai. Hindi niya naman iniisip na magkatotohanan sila ni Third ang kaso lang ay parang masyado namang bulgar ang naging pahayag ng lalaki. "I-I m-mean... Malabo namang mauwi sa totohanan kasi una sa lahat, wala namang gusto sa akin itong si Meygan," ani Third na tiningnan

