Tamad na tamad na lumabas si Meygan pagkatapos ng klase nila. Ni hindi na nga niya naalalang hintayin si Jai. "Meygan!" Napatingin siya kay Third. Nasa labas ito ng classroom nila at hindi niya gusto ang ideyang hinihintay siya nito. Pero napalingon din siya kay Jai. Kung hindi kasi siya nagkakamali, silang dalawa ang sabay na tumawag sa pangalan niya. "Balak mo ba akong hintayin o iwanan talaga?" hindi niya alam kung dismayado na si Jai sa tono ng pananalita nito. "Sorry, wala lang yata ako sa sarili," sagot niya at ngumiti kay Jai. "Tara na, meryenda. My treat," lapit naman sa kanila ni Third. Hindi tuloy naiwasan ni Meygan ang mapatingin sa mga kaklase niyang nasa labas din habang ang iba ay nasa loob pa rin ng classroom nila ngunit nakasilip naman sa kanila mula sa bintana. "Tal

