Huling gabi ni Meygan sa kanila bago ang pagbalik niya sa dorm at naisipan niyang puntahan sa kuwarto ang kaniyang kapatid. Babae rin ito at mas matanda siya ng tatlong taon. "Hi, Heather... Puwede bang pumasok?" ang tawag niya sa kapatid matapos niyang itulak ang pinto. Nasa kama na ang kaniyang kapatid at nakasandal sa headboard. Kalahati ng katawan nito ay nakukumutan habang may hawak itong lapis at sketch paper. Mahilig gumuhit ang kaniyang kapatid. Hindi niya alam kung okay lang ba sa kapatid na pumasok siya pero sa tingin niya naman ay ayos lang lalo pa at doon naman siya madalas matulog noong doon pa siya nakatira. Lalo na noong napapadalas na ang punta sa kanila ng stepfather niya ngayon. "Heather, gusto lang sana kitang makausap—" natigil siya sa pagsasalita nang biglang bumuka

