Chapter 7

1325 Words
"Ay!" iyon ang reaksyon ng ilang mga naroon nang matumba si Meygan. Taliwas sa mga reaksyon nila ang kay Meygan. Pakiramdam niya wala siyang ibang naririnig sa paligid kundi ang t***k ng puso niya nang masilayan ang mukha ni Cailer na siyang nakasalo sa kanya. Ang lakas ng t***k ng dibdib niya nang mga oras na iyon at hindi niya alam kung nag-iilusyon lang ba siya dahil parang nangungusap sa kanya ng may pagmamahal ang mga mata ni Cailer. Ang lakas niya ring mag-imagine. And worst pa yata, sa edad niyang iyon dalawang lalaki na agad ang nagugustuhan niya. "Careful," boses ni Cailer na hindi niya alam kung magpapabalik ba sa kanya sa huwisyo o magpapalala pa sa nararamdaman niya. Naramdaman na lang niya ang tila pag-pwersa ni Cailer sa braso nito na nakasalo sa kanya para maitayo siya. Napapalunok at ramdam na ramdam niya ang naghahalong kaba at hiya nang mga sandaling iyon. Napilitan pa siyang ihawak ang kanang kamay sa balikat ni Cailer para mabalanse ang pagtayo. "Are you okay?" boses muli ni Cailer na nagpapalala sa pakiramdam niya. Tango lang ang naisagot ni Meygan at minabuting ayusin na ang sarili bago pa tuluyang mangatog ang mga tuhod niya. Kailangang matapos na siyang magsalita sa harap. Baka kung ano pa talagang mangyari sa kanya. Nakatitig pa rin ang mga singkit na mata ni Cailer sa kanya kaya tatalikod na sana siya rito para tapusin na ang speech niya nang mamataan niya sa likod ni Cailer ang isang taong kakatalikod lang sa kanila at naglakad naman pabalik sa hilera ng mga kasamahan nila sa dulo ng stage na iyon. Hindi siya maaaring magkamali, kilala niya ang bultong iyon. Si Jayden. Nagtangka rin ba itong lumapit sa kanya kaninang muntik siyang matumba? "Ms. Go?" napukaw muli ang atensyon niya nang tawagin siya ng nag-e-emcee. Saka niya rin napagtanto na wala na sa harapan niya si Cailer. Ayaw niya namang ilibot ang mata para makita kung nasaan na ito kaya mabilis na siyang bumalik sa pwesto niya kanina. "G-goodmorning..." medyo may kaba pa ring panimula nito. Mas hindi siya makakapag-concentrate sa nangyari kanina, "I am Meygan Go, vice president from 4B," bahagya siyang huminto at hindi na alam kung ano pa ang p'wede niyang sabihin sa harapan ng mga estudyanteng naroon. Napasulyap siya kina Desiree at Rupert. "Please vote me," pagtatapos niya at mabilis ng binitiwan ang mikropono saka dumeretso na sa mga kasamahang nasa duluhan ng stage. Pakiramdam niya nang marinig ang palakpakan ay bilang na bilang ang pinanggalingan ng mga palakpak na iyon. Nang matapos na ang pagpapakilalang iyon ay saka pa siya nakahinga ng maluwag. Siya yata ang unang-unang bumaba sa stage at at saka lumapit kina Desiree at Rupert. "Guys . . .sorry," malungkot na salubong niya sa mga ito. "Ano ka ba. Okey lang 'yon. Mas nag-alala kami nung muntik ka ng matumba," sincere na sagot ni Desiree. "Oo nga. Tsaka okey lang naman 'yong pagpapakilala mo sa harap eh," segunda naman ni Rupert. Paalis na sana sila nang biglang may bumati kay Meygan. "Hi, Meygan." Nasulyapan ni Meygan ang hawak nitong papel na kinalalagyan ng mukha at pangalan niya. May iba pa ngang nagkalat sa sahig eh. Marahil ay nagbigay sina Desiree at Rupert kanina sa mga estudyanteng naroon at basta na lang itinapon doon. "Hi rin, Third," balik pagbati niya naman dito dahil ayaw niya namang isipin nito na mataray siya o ano pa man. Pero hindi na nito hinintay na magsalita pa muli si Third. Hinila na nito ang dalawa palayo roon. "Suitor?" tanong ni Desiree sa kanya na hawak niya pa rin sa kanang braso nito. "What? No," mabilis niya namang sagot. Nagtinginan na lang naman sina Desiree at Rupert at sabay na nag-kibit-balikat. Nang gabing iyon ay halos hindi makatulog si Meygan dahil sa nangyari. Kinikilig siya sa isiping tinakbo siya ni Cailer kanina para masalo at 'di tuluyang matumba. Kasabay niyon ay ang isiping nagtangka rin siyang tulungan o puntahan ni Jayden dahil nga nakita niyang nasa likuran ito ni Cailer kanina. Ayaw niya namang mag-assume. Pero may ibig sabihin kaya ang ikinilos ng dalawa kanina? Nakatulugan na lamang ni Meygan ang mga isiping iyon . . . ********** Papunta si Meygan sa library nang umagang iyon para ibalik ang librong kinuha. Laking pasasalamat niya nang makitang wala ang bantay doon na si Lilette. Hindi siya mahihirapang mailabas ang libro na nasa loob ng bag niya para maibalik sa kinalalagyan nito. Halos wala na namang mga estudyante sa loob ng library. Bilib din naman talaga siya. Siguro'y sadya na silang matatalino kaya halos wala ng gumagamit ng library o baka rin dahil nga sa may internet na at iyon na lang ang ginagamit ng karamihan kapag may kailangang hanapin o i-search na patungkol sa mga pinag-aaralan nila. Siya naman kasi 'yong tipong mas gusto pa ring nagbabasa ng libro. Matapos maibalik sa shelves ang libro ay umupo na siya sa kalapit na upuan doon at mabilis na inilapag ang bag sa ibabaw ng mesa. Wala naman siyang kailangang gawin sa araw na iyon. Wala ang teacher nila sa first subject kaya minabuti niyang dito na lang sa library magpalipas ng oras. Inilabas niya ang laptop at pagka-on ay agad itong nagtungo sa i********: account niya. Balak niyang i-stalk na naman doon sina Cailer at Jayden. I-se-search niya na sana ang pangalan ni Cailer nang maagaw ang pansin niya sa nasa unahan ng news feed nito. Nanlalaki ang matang pinakatitigan niya itong mabuti. Si Jaileen ang gumawa ng account niyang iyon at sigurado siyang bukod sa kaibigan, ang na-follow lang doon ni Jaileen ay sina Cailer at Jayden kaya naman siguradong sila lang ang halos lalabas sa news feed niya. At kitang kita niya ngayon ang mukha ni Jayden na halatang kaka-post lang nito. Todo ang pagkakangiti nito sa selfie nito na may caption pang 'selfie here in library' which means na nasa library din ito nang mga oras na iyon. At wala naman talagang kaduda-duda dahil ang ikinalaki lang naman ng mata niya ay ang background ng picture nito. Siya lang naman ang nasa background nito. Kaninang inilalagay niya 'yong libro sa book shelves. Para pang sinadya na maisama siya sa picture dahil bahagyang nakatabingi ang mukha ni Jayden para buo rin siyang makuhanan. Base sa picture, ibig sabihin, nasa kabilang table lang sa bandang likuran niya ang lalaki. Bakit hindi niya ito nakita kanina? Nanginginig ang mga kamay na dahan-dahan niyang isinasara ang laptop. Lalabas na siya. Mahirap na. Baka ma-stroke pa siya roon. "Hey!" Pero dahil sa boses na iyon sa likuran niya ay bigla niyang naibagsak ang pagsara sa laptop dahil sa gulat. Bahagya siyang napangiwi. Sira kaya 'yong laptop sa ginawa niya? Namalayan na lang niya na nasa harapan niya na pala si Jayden. "Meygan, right?" nakapamulsa pa ito sa harapan niya. At ease na at ease ang itsura na nakaka-gwapo lalo rito. Parang naumid 'yong dila niya. Gusto niyang magsalita pero ayaw bumuka ng bibig niya. Sa huli ay nagdesisyon siyang tanguan na lang ito. Isang nawi-wirduhang ngiti ang naging tugon ni Jayden sa pagtango niya. "I'm Jayden. Jayden Chi. You know me, right? Isa rin ako sa tumatakbo sa isa sa mga posisyon para sa SSG," pagpapakilala nito. Pati utak ni Meygan nang mga sandaling iyon walang masabi. Paano ba nito sasagutin ang lalaki? "Ahmm . . .I'll go ahead na. Baka naiistorbo kasi kita. Pasensiya na. Gusto ko lang naman makilala rin 'yong mga tumatakbo rin para sa SSG. Who knows? Baka manalo tayo, eh di konting adjustment na lang sa bawat isa, 'di ba?" mahaba na nitong sabi na hinugot sa bulsa ang kamay nitong isa at ikinumpas nang bahagya. Sunod-sunod na tango lang ang isinagot ni Meygan. Sunod niya ng namalayan ay ang pagkuha ni Jayden sa mga gamit nito at tuluyang paglabas sa library. Nanghihinang isinubsob ni Meygan ang mukha sa mesa. Paano ba siya magiging normal kapag kaharap ang isa kina Jayden at Cailer?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD