--
"Iisshh... nandiyan na ang feeling maganda, feeling genius, feeling etchetera!"
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Meygan ang sinabing iyon ng isang kaklase niya pagkapasok na pagkapasok niya sa classroom nila.
"Grabe sila sa'kin ha. Alam naman siguro nilang nagkasakit ako, baka p'wedeng pass muna sila sa pagsasabi ng negative 'bout sa'kin?" bulong lang ni Meygan sa isipan.
Deretso na lang na umupo si Meygan sa dati niyang puwesto. Tumingin siya sa wristwatch niya. Seven-thirty ang umpisa ng first subject nila at quarter to seven pa lang. Meaning to say, may thirty minutes pa ang mga haters niya para siya i-bash nang i-bash. Sa isip ni Meygan, wala naman siyang magagawa kung artistahin siya. Idagdag pang matalino siya at bonus na lang na may Jayden Chi at Cailer Tan siya. Pero siyempre, feeling niya lang 'yong tungkol kina Chi at Tan. Inilabas ni Meygan ang cellphone nito at nag-type.
TO: Bestfriend
"Anu n Jaileen?? Pti b mga lman bituka mu nilbas mu nadn? Hndi k pba pu2nta d2?"
Napataas kilay siya ng ilang sandali lang ay may reply na si Jai.
FROM: Bestfriend
"Psunod plang mga lman btuka ko."
Umangat na naman ang kilay ni Meygan sa reply nito. Ibang klase naman kasi ang kaibigan niya. Hanggang banyo talaga dala ang cellphone! Magrereply pa lang dapat si Meygan nang may mag pop-up na namang message si Jai.
FROM: Bestfriend
"Hndi n ako maka2psok. Diarhea n ako."
Nag-alala naman si Meygan para sa kaibigan. And at the same time, nadismaya. Wala siyang kasama o kakampi ngayong araw, lalo siyang pagpi-pistahan ng mga haters niya. Nakakaiyak na nakakainis.
TO: Bestfriend
"Inum agd gamot, kung kya mu rn, bli kna ng gatorade mu."
FROM: Bestfriend
"K. Ako nmn ngyon ipag-paalm mu ky mam ha, at wg pnsinin ang bashers. Ilvyu!"
Napangiti na siya sa huling message nito bago niya ipasok muli sa bag ang cellphone niya. Sila iyong isa sa mga pares ng mag-bestfriend na nagsasabi talaga ng I love you sa isa't-isa. Sobrang love nila ang isa't-isa. Masasabi niyang masahol pa sa magkapatid ang turingan nila. Kahit nga ata size ng pupu nila kabisado ng bawat isa. Kapag lumabas ang isa na pawisan, siguradong malaki 'yon. Sa sobrang hirap kaya pinagpawisan. Kapag lumabas na nakangiti, malamang medium size iyon. Pag lumabas na medyo nakangiwi, durog 'yon sigurado.
Natigil sa pagmumuni-muni si Meygan nang may bumungad na isang estudyante sa pintuan ng classroom nila.
"4B, lahat ng class officers dito, pumunta sa gymnasium," sabi ng estudyanteng babae bago tuluyang umalis.
Bigla namang umingay ang classroom nila. Napasimangot si Meygan bago tumayo. Nakaramdam ito ng inis dahil ngayon pa pinatawag ang class officers kung kailan wala si Jai. Isa kasi siya sa class officers. And take note, class president siya. Nakakapagtaka, 'di ba? Kasi sa dami ng haters niya rito sa loob ng klase nila, binoto siyang president?
Ganito kasi 'yon, transferee lang sila ni Jai rito sa Wellton Academy as fourth year highschool students. Kinailangan kasi ni Meygan na humiwalay na muna sa mga magulang niya para iwas gulo. Hindi niya kasi kasundo ang stepfather niya. To make the story short, dahil matagal na silang magkaibigan ni Jai, sumama si Jai sa kanya. At iyon na nga, dahil mga transferee sila roon, siyempre magiliw ang mga estudyante sa kanila pati mga naging kaklase nila. At dahil totoo namang friendly si Meygan habang si Jai naman ay super bait, nang magbotohan para sa class president ay si Meygan ang napili nila. Si Jai naman ang naging vice president. Hanggang sa dumating nga sa puntong nahumaling si Meygan sa dalawang lalaki na parehong naging MVP ng basketball team ng Wellton. Marami bigla ang nainis sa kanya dahil parang naging malandi raw siya sa paningin ng ibang estudyante roon lalo na sa mga kababaihang may paghanga rin kina Tan at Chi. Doon na nagbago lahat, pati si Jai na kaibigan ni Meygan, nadamay sa inis ng mga taga Wellton. Pero karamihan sa mga inis, mga highschool students lang talaga. May senior high and college students din kasi sa Wellton kaya bihira roon ang mga nagpapantasya kina Tan at Chi. Kung meron man, hindi naman sila ganoon kababaw para mainis kay Meygan Go.
Nang makalabas si Meygan sa classroom nila, sumabay sa kanya sina Rupert at Desiree. Si Rupert ang treasurer nila while si Desiree ang class auditor. Kaya naman malapit ang dalawa dahil partners ang positions nila.
"Nasan si Jaileen, Meygan?" tanong agad ni Desiree.
"May diarrhea eh, kaya 'di nakapasok," walang ganang sagot ni Meygan. Wala siyang gana 'di dahil ayaw niyang makipag-usap sa dalawa. Aba, hindi niya haters 'tong mga 'to kaya dapat lang na pakisamahan niya nang mabuti. Wala siyang gana dahil nga wala si Jai.
"Naku. Kung kailan naman may election na mangyayari, sayang naman," wika naman ni Rupert.
"Election?" takang tanong ni Meygan.
"Oo. Mga magiging bagong SSG officers. Kada taon kasi pinapalitan para raw mabigyan din ng pagkakataon ang ibang mga estudyante," masayang sagot ni Rupert.
Napatango-tango na lang si Meygan. Hindi niya naman kasi talaga alam 'yon 'though may ganoon din sa pinanggalingan nilang eskwelahan ni Jai.
"Hay. Eh dapat pala 'di na rin ako pumunta eh," wika ni Meygan na tumigil sa paglalakad dahil balak na lang nitong bumalik sa classroom nila.
"Ha? Bakit naman?" takang tanong ni Desiree.
"Sigurado akong walang magno-nominate sa akin at wala ring boboto kung sakaling balakin niyong i-nominate ako. Sayang lang ang presence ko roon," nakangusong sagot ni Meygan.
"Ano ka ba," medyo natatawang sabi ni Desiree.
"Totoo naman eh," sagot pa ni Meygan at akma na itong tatalikod sa kanila nang magsalitang muli si Desiree.
"Hindi lang highschool students ang magde-decide rito. Kasali ang mga nasa senior high," sabi ni Desiree na ikinalingon muli ni Meygan.
"At isa pa, hindi p'wedeng wala ka roon lalo pa at ikaw ang class president namin. At least si Jai may reason talaga at talagang wala siya. Ikaw nakita ka na namin kaya baka mabigyan ka lang ng punishment kapag nalaman —"
"Okay. Tara na," putol ni Meygan sa sasabihin pa sana ni Rupert. Alam na naman kasi niya 'yon. So, no choice rin pala siya dahil may votes din palang manggagaling sa mga nasa senior high.
Kampante siya kahit paano, ayaw na kasi niyang mapabilang sa mga officers ng kahit saan sa eskwelahang ito. Kampante siya na 'di siya mapapabilang dahil sa dami ng haters niya. Nang makarating sa gymnasium ay humalo na sila sa umpukan ng mga estudyante.
Kakikitaan mo naman ng pagkabagot si Meygan.
"Kumpleto man o hindi pa, magsisimula na tayo. Well, iyong mga wala pa rito dahil hindi agad pumunta, I think they don't deserve their position as classroom officers," panimula ng isang babaeng mababa lang at may manipis na mga labi. Singkit din ang mata nito at maputi rin.
"Sa mga 'di pa nakakakilala sa akin, I'm Christine Canero, 14. I am the Vice President of class 2-A. Bale ako rin po ang isa sa mga bussiness managers ng SSG na mapapalitan na sa araw na 'to. Pero second year pa lang naman ako, p'wede niyo uli akong iboto sa susunod na taon," pagbibiro pa nito na may katotohanan din naman. After a year kasi ay puwede ulit mapabilang sa SSG ang mga dating SSG officers, basta't isang taon na ang lumipas. Isa iyon sa rules ng Wellton Academy pagdating sa SSG officers.
Maya-maya ay may isang estudyante ang pumunta rin sa harapan hila-hila ang isang white board.
"Let's begin. I will be the secretary just for now. Siyempre ang dati pong secretary graduate na," nakangiting sabi ni Christine.
"Smiling face..." sabi ni Meygan sa isipan.
"Ang mga President, Vice President and secretary ay kukunin sa fourth year students. Third year students para sa mga Treasurer, Auditor at P.I.O. Sa second year students naman manggagaling ang mga bussiness managers and Escort while sa first year students ang mga Peace Officers and Muse," paliwanag ni Christine, "Iyong mananalo rin dito, hindi pa siguradong sila nga ang panalo dahil votes niyo lang ang bibilangin muna. Next week malalaman kung sino talaga ang panalo kapag nabilang na lahat ng boto ng lahat ng estudyante sa highschool department including senior high," dugtong pa nito.
"Magsimula na tayo. The nomination for president is now open," panimula na nito.
May nagtaas naman ng kamay.
"I respectfully nominate Cailer Tan for president."
Nanlaki bigla ang mga mata ni Meygan nang marinig ang pangalang iyon.
"A-andito siya?"
Napalunok na lang si Meygan. Nakalimutan nitong pareho nga palang fourth year students sina Tan at Chi kagaya niya. Pero 'di niya naman alam na kabilang pala sa class officers si Tan. Siyempre ang nasa isip niya puro basketball lang talaga focus ng mga ito. May mga hindi pa pala siya alam sa mga lihim niyang tinatangi. Pigil hininga si Meygan nang mamataan na niya si Cailer. Parang slow motion sa paningin niya ang paglakad nito papunta sa harapan.
"D'yusko, Meygan, huminahon ka! Wala rito si Jai na aalalay sa'yo."
Nagyuko ng ulo si Meygan at pumikit nang mariin para hindi matitigan si Cailer. Ayaw niyang matuod na naman gaya ng nangyari sa kanya sa canteen dati at mas lalong ayaw niyang lagnatin na naman siya! Hindi na niya halos inintindi pa ang mga sumunod na nominasyong nangyari dahil sa kaba niya. Sa katunayan, nang may magtanong na kung sino ang boboto kay ganito ganoon, basta na lang siyang nagtaas ng kamay ng nakayuko pa rin at nakapikit. Takot lang niyang matitigan muli ang mukha ni Cailer!
"Third Lee got one vote..." boses ni Christine Canero.
"Hanu raw?? One vote? Ako lang nagtaas??!!"
"For Cailer Tan, forty-four votes. So Cailer Tan wins. Pero sa boto niyo lang," paliwanag ni Christine.
"12×4=48..." pagco-compute ni Meygan sa isipan.
"The nomination is now open for Vice President," boses pa rin ni Christine.
"Si Cailer at iyong Third lang ang naglaban sa president? Tapos... tapos... ako lang nag vote kay doon sa Third? While iyong iba, kay Cailer?" patuloy sa paghuhumiyaw ang isipan ni Meygan, "Hindi ko naboto si Cailer dahil 'di ko man lang tiningnan kung sino ang pinagtaasan ko ng kamay..!"
"For Jayden Chi?"
Biglang napadilat ng mata si Meygan at napatingin sa harapan. Kita niya sa tabi niya ang mga nagtaasan ng kamay. Wala sa sariling nagtaas na rin ng kamay si Meygan habang titig na titig kay Jayden ng mga sandaling iyon. Kahit naka uniporme lang ito, ang g'wapo niya talaga...
"Iyong med'yo singkit na mata niya...g'wapong-g'wapong hugis ng mukha..." tila napa-daydream na siya habang pinagmamasdan si Jayden.
Ngumiti si Jayden sa mga kapwa estudyanteng nasa harapan niya lalo na sa mga nagtaas ng kamay para sa kanya.
"Idagdag mo pa iyang ngiti niya na lalong nagpaangat sa ka'gwapuhan niya..."
"Lord, 'di ko na kaya."
Bigla na lang natumba si Meygan ng mga sandaling iyon dahil sa pagtitig niya sa g'wapong mukha ni Jayden Chi...