Maagang nagising si Meygan dahil exam week na nila sa susunod na linggo. Kailangan niya ng mag-review nang maaga bago pa ang mismong linggo ng exam nila. Nakasanayan niya na iyon at wala siyang balak baguhin. Pagbaba niya ay nasulyapan niya pa si Jai na mahimbing na natutulog. Maging ang kasama nilang sina Anida at Brianna ay natutulog pa din. Nang sulyapan niya ang orasan ay nakita niyang mag-a-alas singko na rin nang umaga. Magbabasa lang siya nang kaunti bago maliligo at magbibihis saka papasok. Ganoon ang routine niya basta't nalalapit na ang exam. Si Jai naman ay ginigising niya basta't tapos na siyang maligo. Sina Anida at Brianna ay okay lang na mahuli dahil mas maaga naman ang time nila kesa sa mga ito. Magsisimula na sana siyang magbasa nang makaupo na siya nang maisipan niya bi

