Nakatingin lang si Meygan sa cellphone niyang nasa tabi habang nakahiga sa kaniyang kama. Mula pa kanina, ring lang nang ring iyon ngunit hindi niya sinasagot. "Meygan, wala ka ba talagang balak sagutin 'yan?" hindi na nakatiis na puna ni Jai sa kaniya. "Wala ako sa mood makipag usap sa kanila," sagot niya lang at saka itinaklob ang unan sa mukha. "Meygan, galit ka pa rin ba sa mommy mo?" pagkuwa'y tanong ni Jai sa kaniya. "It's obvious..." mahina niyang sagot. Hindi niya sigurado kung narinig ba iyon ng kaibigan. "Dahil lang nag-asawa ulit siya? Come on, Meygan... Ayaw mo bang sumaya ang mommy mo? At saka isa pa, baka hindi ka talaga galit. I think tampo lang 'yan at dapat ay pinag-aaralan mo ng tanggapin ang stepfather mo," tila pangangaral pa sa kaniya ni Jai. Naramdaman pa niyang

