ABIE's POV
"Kuya matagal pa ba?" Naiinip na sabi ko kay kuya Roy.
"Konting tiis pa bunso," masuyong boses nito sa akin.
"Masakit na po ang pwet ko." reklamo ko kasi kanina pa kami bumibyahe papunta sa restorant na regalo nila sa akin na ako mismo ang mamamahala.
"Kaya nga nilagyan ng takip ang mata mo kasi mainipit ka, Relax lang at matulog ka na muna gigisingin nalang kita pag nakarating na tayo" sabi nito na pangungumbinsi sa akin ito kasi ang naka toka na maghahatid sa akin sa nabiling restorant na regalo nila sa akin.
Kanina pa kasi kami bumubyahe sakay ng kotse nito at bago ako sumakay ng sasakyan ay nilagyan nila ng piring ang mata ko at baka daw sa daan palang ay umayaw na ako at baka daw maisipang ko agad na wag nalang tumuloy.
"Baka naman hindi maganda yon kaya nilagyan ninyo ng takip ang mata ko para pag andun na ako ay mapipilitan nalang ako at dapat na doon nalang ako para jindi na ako makaisip na na pumunta sa ibang lugar?" mahabang tanong na nilagyan ko pa ng boses na nagrereklamo at inginuso ko pa ang aking labi para kahit hindi ko makita na nakatingin ito sa akin ay nag baka sakali ako na maawa sa akin.
"Yan nga sinasabi sakin ni papa kaya siguraduhin mo lang bunso na hindi ka nandadaya dahil hindi ako nagbibiro or should I say hindi kami nagbibiro na talagang magugustuhan mo yung lugar." mahabang paliwanag nito.
"Siguradong sigurado ka po ba kuya na magugustuhan ko yung pwesto?"
Isang daang pursyento lahat kami nakasisiguro na magugustuhan mo yun kaya matulog ka na para hindi ka mainip."
"Kasi parang napaka layo naman!" reklamo ko na ayaw ko talagang magpalato at dahil mainipin ako ay pinapatulog ako para hindi ko mamalayan ang tagal ng biyahe namin.
Hindi kalaunan sa pananahimik ko at hindi ko namalayan na naidlip na pala ako at mahinang tapik sa balikat ko ang gumising sa akin sabay tawag sa pangalan ko.
"Abie, andito na tayo." malumanay na sabi sakin ni kuya Roy.
Inalalayan pa muna ako nito sa pag baba matapos iayus nito and piring ko sa mata. "Ingat bunso"
"Pwede ko na bang tanggalin to kuya?" nasasabik kong sabi dito.
Wait lang" at iginiya ako nito sa kung saan "Mas maganda kung dito ka tatayo at para mas kita mo ang lahat."
"OK"
"Ready"
"Opo" nasasabik kong sagot agad.
Bibilang ako ng three tapos sakamo alisin ang piring mo sa mata,
"Naman kaaassssi....Naiinip na ako kuya" sabay kong padjak sa kinatatayuan ko.
Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba at na eexite na ako at nasasabik ko nang makita ang resulta ng paghihintay ko ng matagal sa biyahe.