Chapter 1

1248 Words
ABIE’s POV “CONGRATULATIONS!!!!” Malalakas na hiyawan ang sumalubong kay Abie pag bukas niya ng pinto ng kanyang bahay. Malawak na ngiti ang isinalubong niya sa mga taong sumalubong sa kanya. Hindi masukat na kasiyahan kasiyahan ang nadara ni Abie ngayon dahil wala man siyang magulang ay kapiling niya ang kamag anak na mag celebrate ng kaniyang graduation. Kagagaling lang nila ang Tiya Sam sa eskuwelhan dahil ito ang nag hatid sa kanya sa stage. Ngayon ang araw na nakatapos siya ng pag aaral sa kursong business management. Nag handa sila ng salu salo sa kanyang munting bahay at ang tiyo Ponso niya ang nag luto. Masarap itong mag luto kaya nung nasa ikalawang taon palang siya sa kolehiyo ay kinausap niya ito na magtatayo siya ng karinderya at ang nais ni Abie na ito ang maging taga luto. Pumayag naman ito dahil Kasalukuyang nawalan ito ng trabaho dahil sa aksidente Constaction kung saan ito nag tatrabaho at dahil kailangan na mag hanap buhay kahit pilay ito ay kaya naming mag luto. Sa kaunting ipon mula sa pagtitinda niya ng mga accessories ng gawa niya ay namuhunan si Abie para makatulong narin sa pamilya na kumupkop sa kanya. Hindi man siya naka tira sa bahay ng tiyo ay tinitingnan tingnan parin naman siya at pag kinakapos siya ay napapahiram pa siya nito pag kailangan kaya ng mapilay ito ay nag disisyon siya na mamuhunan at pumayag naman ito. Nasa elementarya si Abie ng mag hiwalay ang kanyang mga magulang at dahil ang ina ay pabaya sa kanya na nag iisang anak sa ama siya napunta dahil ang ina ay may iba na rin na kinakasama. At ang Ama ni Abie na si Dolfo ay hindi naman nag asawa at ibinuhos nalang ang pag aaruga sa anak na lingid sa kaalaman niya na may sakit pala ito nagulat nalang siya nung unang taon niya sa kolehiyo ay atakihin ito at dahil hindi ipinaalam sa kanila ang kundisyon ay agad itong binawian ng buhay. Nanatili si Abie sa sarili niyang bahay kahit mag isa nalang siya at ang naiwang konting halaga ng ama ay ipinampaaral niya sa sarili at doon na siya nag simulang mag tinda ng kung ano ano para lang maipang tustos siya sa kanyang pag aaral namasukan din siya bilang service crew sa isang sikat na kumpanya, Nag aaral sa umaga at nag tatrabaho sa gabi. Tanging ang pamilya niya sa ama ang karamay niya kaya nung ito naman ang nangailang ay hindi siya nag dalawang isip na tulungan ito. Ngayon Malago na ang kanilang karinderya at nakabili narin sila ng lupa na pinag alagaan nila ng mga alagang hayop at mga tanim na siya nilang iniluluto sa kanilang karinderya na ngaun ay may apat ng branch na restaurant at ang namamahala sa kusina ay ang kanyang tiyo Ponso katulong din ang kanyang mga pinsan na mga anak nito na sina Stephanie, Rey at Samuel. “Bunso, kain na tayo!”Aya sakin ni kuya Rey, matanda silang lahat sa akin at kahit na wala akong mga kapatid ay sila ang nag silbing ate at kuya ko. “Salamat po sa inyong Lahat”, Maluha luhang sabi ko sa kanila. “Bunso, Alam namin na laging ikaw ang nag reregalo sa amin” huminto muna ito saka lumingon sa iba pa naming mga pinsan na imbitado sa selebrasyong ito. “Sana Lagi mong tatandaan na kahit may mga asawa na kami at kahit magkakalayo na tayo o mas mapalayo pa ang branch na itatayo mong panibago asahan mo na andito lang kami.” Palakpakan silang lahat “At dahil successful ka at napaka swerte mo naambunan mo kami ng swerte “ Biro pa nito na nagtawanan ang lahat. “KAYA!” sabay sabay nilang sabi. “CONGRATULATIONS” at umulan ng pakinang sa paligid sabay baba ng kurtina sa nasa harapan ko na nasa dingding. Tumambad sa akin ang isang larawan ng restorant. “Ano yan?” taking tanong ko sa kanila. “Regalo naming sayo bunso!” masayang sabi ni ate Stephanie. “Naka pangalan nayan sayo saka matagal na naming pinagplanuhan yan”, sabi ni kuya Samuel “Kabibili lang namin niyan last week at konting renovation lang pwede na tayong mag open kung kelan mo gusto at may mga nahanap narin kami na tatao diyan kasi andiyan ang mag Tito at tita na pwedeng I hire mo.” Sabay turo sa kapatid pa ni Tiyo Ponso na si Tiya Jane. “Celebration ba ito o business conference?” Sabi ni Tiya Sam na inabutan ako ng plato. “Syempre conference!” sabi ni kuya Rey “Negosyante ang celebrant natin at akalain niyo c*m laude!” “Cheers!” sabay sabay nilang sabi saka ako tumayo. “Salamat sa regalo cheers!” sabi ko na itinaas ko ang hawak kong baso ng juice. "Para sa bagong restuarant na si bunso ang siyang full time na mamamahala" Sabi ni kuya Samuel na may ngiti sa labi at kumindat pa sa akin. "Kuya parang nakakatakot yang kindat mo baka ikapahamak ko yan?" may halong tampo na ngumiwi si Abie na ikitawa naman ng lahat. "Alam mo kasi anak natutuwa lang sila kasi para ma experience mo naman ang hussle sa loob ng tindahan na ikaw mismo ang mamamahala, kasi sa simula ikaw naman talaga ang boss naming lahat pero ngaung nakatapos ka na gusto nila na mamahala ka din ng sarili mong restaurant, para mas matutunan mo pa kung paano pamamahalaan ang lahat ng branches natin" Madamdaming sabi pa ni tiyo Ponso habang naka akbay ito sa akin. "Ayun tama si papa" sang ayon ni kuya Samuel "Saka para hindi mo kami laging iniikutan sa mga ginagawa namin sa oras kasi na wala kang ginagawa bumubulaga ka nalng tapus lahat ng mga tauhan natin taranta sayo" sabay kurot pa nito sa magkabila kong pisngi "Mabait ka naman bunso kaya lang bakit pag ikaw ang dumaan lahat sila tahimik para kang mangangain?" Takang tanong pa nito na pa iling iling pa ng ulo nito. "Aray" sabay haplos ko sa aking pisngi. "Ang sabihin mo kasi Samuel, Takot ka lang kay bunso baka sisantehin ka tapos mauwi ka sa farm kasama ang mga alagang baboy natin sa Bulacan." sabi ni Ate Stephanie na ikinatawa ng lahat. "Mahal ako ni bunso kaya hindi ako aalisin doon pano ko pa makikita si honie love ko pag nauwi ako ng Bulacan?" "Honie love? sinagot ka na ba kuya Samuel?" takang tanong ko dito "Hindi pa pero malapit na." "Ikaw bunso may sasagutin ka na ba sa mga nanliligaw sayo?" tanong naman sakin ni tiya Sam. "Wala pa po," napayukong sabi ko at parang may lungkot akong nadama ng parang mag isa lang ako kahit alam ko na mahal na mahal ako ng mga taong naka paligid sa akin. Lungkot na kahit na matagumpay ako at abot ko na ang lahat ay dadating ang pakiramdam na parang baliwa ang lahat ng tagumpay kung mag isa ka lang. Kakulangan na hindi ko maipaliwanag....... Matapos ang hapunan namin ay nag paalam na ang mga ito dahil maaga pa silang papasok sa kani kanilang mga restorant na pinamamahalaan. Lahat din sila ay mga nakatapos ng pag aaral Culinary si ate Stepahie si kuya Rey ay Electronis at si kuya Samuel naman ay tapus ng Agriculture. At sa apat na branch ay bawat isa ay pinamamahalaan nila kasama si tiyo Ponso na siyang may hawak parin ng pinaka unang karinderya na itinayo namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD