TEASER

473 Words
PACK.... Isang malakas na sampal ang umaalingawngaw sa labby ng isang building. "How dare you?" malakas na sabi ni Abie Napahawak sa pisngi ang isang lalake at matamang nakatingin kay Abie "Oh! really how dare me?' nakangising sabi nito habang nakahawak ito sa dinapuan ng sampal ni Abie. "Ang kapal pala ng mukha mo? Of all talaga nakaharap ako sa isang makapal ang mukha at talagang makapal." Panduduro ni Abie sa kausap nya. "You will pay for this bitch.." sigaw naman ng babaeng kasama nito na biglang yumakap at hinawakan pa ang mukha ng sinampal ni Abie. "Im not a b***h you b***h!" sabay hawak nito sa buhok ng babae at ikinagulat nito kaya napahiyaw ito sa sakit na nadarama sa lakas ng pagkakahawak at hila ni Abie sa buhok nito. "Abie ano ba sumusobra ka na?" sabay dalo nito sa pag kakahawak ni abie sa buhok ng babae. "Kulang pa yan sa ginawa mo sa ginawa ninyo!" Hiyaw ni Abie at wala siyang pakialam sa mga naka paligid sa kanila. Halos lahat ng empleyado at empleyada ng kumpanya ay dumungaw sa labas para alamin ang kaguluhan na naririnig nila at halos lahat ay may kanya kanyang mga saloobin at usap usapan sa mga nakikita nilang eksena. Walang halos gustong umawat sa galit na si Abie dahil alam nila kung paano ito magalit at kung pano din ito maging tigre sa tagal na nilang kilala ito, Mabait ito at halos lahat ay hanga sa kabaitan nito pero pag ito ang nagalit hindi mo nanaisin na sayo ito magalit. Kaya kahit na naawa sila sa kinakaladkad nito na babae ay wala silang gagawin upang ito ay awatin. "Abie please nasasaktan siya." "Masakit ba?" huminto ito habang hawak ang buhok ng babae at tiningnan ang mukha ng umiiyak sa sakit na babae. "Ahhh" hiyaw nito habang naka hawak sa buhok na hilahila bi Abie "Humanda ka sasampahan kita ng kasong physical injury!" malakas pang hiyaw nito na akala mo malayo ang kausap. "Wow?" sabi nito na tiningnan ang naka alalay na lalake na umaawat kay Abie. Kahit na lalake ito ay walang nagawa upang awatin sa p*******t si Abie. Kahit ito ay tinatabig at nasasaktan nito ay hindi ito gumaganti at tinatanggap lang ang pagwasiwas ng mga kamay nito. "Wag mo akong tinatakot malandi ka dahil matagal na akong takot at kung akala mo aatrasan kita nagkakamali ka." Binitawan na ito ni Abie pabalibag sa sahig at saka ito hinarap na naka pamewang ang isang kamay sabay hawi ng isa pang kamay nito sa mahaba niyang buhok para ilagay sa likod. "Itong tandaan nyo," duktong pa ni Abie "Wala akong paki sa inyong dalawa magsama kayo mga manloloko at ikaw lalake ka isaksak mo sa baga mo yang malandi na yan." Pagkatapos ay tumalikod ito at walang paki sa dadaanan pabalik sa loob ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD