Chapter 6

1405 Words
-flashback- 2am na nang maisip kong umuwi. 2:54am na ako nakarating sa building papunta sa condo ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng condo ko nang mapansin nakabukas iyon. Agad akong pumasok. Nakabukas ang mga ilaw sa sala. Nakita kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko. Dahan-dahan akong pumasok don. Nabigla ako nang makita ko si clay, inaayos nya ang mga gamit nya sa maleta, iyon yung mga damit nyang naiwan dito sa condo ko. "Clay.." mahinang tawag ko sakanya. Nilingon nya lang ako saglit at bumalik sa ginagawa nya. Tumayo sya at kinuha pa ang ibang gamit nya at inilagay sa maleta nyang nakalapag sa sahig. Sinusundan ko lang ng tingin ang bawat galaw nya. Isinara nya ang maleta nya at naglakad papunta sa pwesto ko. Di ako makagalaw. "Excuse me." Di ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakaharaang ako sa pinto kaya di sya makalabas. May bigla syang dinukot sa bulsa nya, Susi ng condo ko. Kinuha nya ang kamay ko at inilagay yun sa palad ko. Di ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko sya at umiyak ng umiyak sa dibdib nya. Pilit nyang inaalis ang pagkakayakap ko sakanya pero mas lalo ko lang yung hinihigpitan. "Wag mo'kong iwan, clay, im sorry! Im so sorry!" "Xia..." "Please clay, please! Dito ka lang wag kang aalis. Im sorry! Mag-usap tayo please? Ayusin natin to!" Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko dahil inaalis nya ang mga braso ko na nakayakap sa katawan nya. "Litong-lito lang talaga ako. Please mag-usap muna tayo!" "Xia, please tama na." Dahan-dahan lumuwag ang yakap ko dahil sa sinabi nya. Tinignan ko sya sa muka, magmamakaawa ang tingin nya at may luha na sakanyang mga mata. "Tama na xia." Mahinang sabi nya. Ilang segundo ko muna syang tinitigan bago ako lumuhod sa harap nya at yakapin ang mga tuhod nya. "Please clay, mag-usap tayo. Ayusin natin to. Mag papaliwanang ako." Napapayag ko si clay na dito matulog, nahirapan ako pero nakumbinsi ko rin. Di ko nagawang magpaliwanag sakanya dahil hindi nya din naman ako pinapansin at iyak lang ako nang iyak. Nakahiga na kaming dalawa ngayon sa kama. Nakatagilid sya at nakatalikod saakin. Isang oras na kaming ganito. Di ko alam kung tulog na ba sya. Lumapit ako sakanya at niyakap sya mula sa likod. "Wag mo akong iwan, clay. Mahal na mahal kita." -end of flashback- Nagising ako nung umaga na yun na wala na si clay sa tabi ko. Nung araw na yun nag simulang gumuho ang mundo ko. -flashback- Nagising ako nang hindi ko makapa si clay sa tabi ko. Agad akong bumangon para hanapin si clay. "Clay?!" Sigaw ko sa pinto ng cr pero walang sumagot kaya binuksan ko iyon. Wala si clay doon. Lumabas ako ng kwarto. Tinignan ko sa sala at kusina, wala sya doon. Nag papanic na ako. Agad akong pumasok sa kwarto para hanapin yung maleta nya pero wala na din doon. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si clai. "Clai, si kuya clay mo nasaan?" "Ate di nya ba sinabi sayo?" "A-ang alin?" "Ngayon ang alis nya." "Saan sya pupunta?" "Di nya sinabi kung saan pero work daw po yun e." "A-anong oras sya umalis?" "Hmm.. mga 6 po siguro." Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 8 palang. Baka nasa airport pa yun. "Bye clai, salamat." "Ate---" agad kong pinatay ang tawag. Nag bihis lang ako at nagtungo na agad sa airport. Tinatawagan ko si clay pero di na nagriring ang cellphone nya. Tinetext ko sya. Sinabi kong nandito ako sa labas ng airport at hinihintay sya. 6pm na nandito parin ako sa labas ng airport at hinihintay sya. Wala pa akong kain pero kaya pa naman. Tumawag si clai sakin kaninang 4, sinabi ko sakanya na hinihintay ko ang kuya nya dito sa airport. 10pm na pero wala parin si clay. Sinundo na ako nila mama. Ayaw ko pang umuwi pero dahil sobrang kulit nila sumama nalang ako para kahit labag sa loob ko. Sinabi ko din na babalik ako dun bukas. Alam kong ayaw nila pero di naman nila ako mapipigilan. Bumalik ako kinabukasan. Nag text din ako kay clay na nandito ako sa labas ng airport. Naghintay ako nang nag hintay hanggang sa Sinusundo na ulit ako nila mama. Ilang araw pa ako nag hintay pero walang clay na bumalik. "Ate xia, nag email samin si kuya clay." Napabangon ako bigla sa kama ko. Ilang araw na akong nasa kwarto ko at di lumalabas. Di din ako kumakain ng tama. "A-anong sabi? Babalik na daw ba sya? Ako na susundo." Tumayo ako at nanguha ng damit. Papasok na sana ako ng banyo nang mag salita muli si clai. "W-wag na daw natin sya hanapin. Nasa maayos naman daw sya. Trabaho lang yung pinuntahan nya kaya wag na daw mag-alala." Napatingin ako kay clai "W-wala syang sinabi kung kailang sya uuwi?" Naluluhang tanong ko kay clai. "Wala ate." Huminga sya ng malalim. "Ate kumain ka na may dala akong pagkain." Di ko pinansin ang sinabi ni clai. Nag lakad ako papunta sa kama ko at ibinagsak ang katawan ko dun. "Umuwi ka na clai, pagabi na." "Ate.." "Clai, please." Narinig ko syang huminga ng malalim, maya-maya lang ay narinig ko ang pag-sara ng pinto. Ilang araw pa akong ganun. Ang kalat-kalat na ng condo ko, iba na din ang amoy pero wala parin akong pakialam. Sa gabing to gusto kong mag lasing, gusto ko makalimot kahit saglit. Gusto kong mawala yung sakit na nararamdaman ko kahit saglit. Gusto kong mawala sa isip ko si clay kahit saglit, kahit saglit lang. Ilang araw at ilang linggo akong palaging lasing na umuuwi. Si mama ay panay na nasa condo ko para alagaan ako pag umuuwi akong lasing. Pinapagalitan na din ako ni papa dahil sa ginagawa ko sa sarili ko. Inom ako nang inom araw-araw, walang palya. Kung nag sasalita lang ang atay ko paniguradong minura na ako nito. Uminom din ako ng party drugs, dahil dun panandalian kong nakakalimutan si clay. Party, inom, party, inom. Paulit-ulit, sa loob ng limang bwan ganun ako. Kinakawawa ko ang sarili ko. Pinababayaan ko na ang sarili ko. Wala na akong pakialam sa kalusugan ko. Nagising nalang ako isang-araw na parang iba yun sa ibang araw. Ayokong uminom, ayoko na bigla yung mga ginagawa ko nung nakaraan. Paglabas ko ng kwarto ko nanlumo ako sa nakita ko. Muka nang budega ang condo ko. Ang daming kalat at puro alikabok na. Namalayan ko nalang ang sarili ko nang patapos na akong mag linis ng condo ko. Maayos na ulit at malinis di tulad kanina na parang dinaanan ng bagyo. Naupo ako sa sofa ko at isinandal ang batok ko sa sandalan. Naisip ko yung mga ginawa ko nung mga nakaraang bwan. Sigurado akong di matutuwa si clay don. Sigurado akong magagalit yun, baka lalo akong layuan nun at lalo akong pandirihan. Simula nang araw na yun, binago ko na ang sarilI ko. Nag g-gym na ako at kumakain ng tamang pagkain. Di na ako nag iinom o nag yoyosi lalo na ang uminom ng party drugs. Si clai ang kasama ko nung mga nakaraang bwan na nasa dilim ako. Sya ang sumusundo saakin kapag lasing na ako. Sya din ang nagpapaligo sakin pagka-uwi. Kaya pag gising ko sa umaga ang linis at ang bango ko na. Si clai din ang kausap ko pag pakiramdam ko nag-iisa ako. Si clai lang ang kinakausap ko. Si mama ay umalis din sa condo dahil sa kumpanyang pag-aari namin. Kaya ganun nalang kagulo ang bahay dahil walang naglilinis. Di din naman marunong mag linis si clai. Kasama ko din si clai sa gym. Gusto nya daw ako samahan para daw masigurong inaayos ko na talaga ang sarili ko. Lumipas ang araw, linggo at bwan. Pasko na ngayon. Wala si clay kaya sobrang lungkot ko. Alam ko ding malungkot ang pamilya ni clay dahil wala sya. Lumipas ang pasko at bagong taon. Bagong taon pero di parin nagbabago yung nararamdaman ko kay clay. Di parin nababawasan yung sakit na nararamdaman ko. Ako na ang pinag hawak ni papa ng kumpanya namin, ako na ang CEO. Paniguradong magiging proud si clay sakin pag nalaman nya to. Lalo na pag pinag buti ko. Maayos na lahat pag bumalik ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD