~flashback~
"Bakit mo nagawa sakin yun? May mali ba akong nagawa? Nag sawa ka na ba sakin? " Di ako kumibo." Sumagot ka, xia! Please?" kitang-kita ko sa mga mata nya ang sakit na dinulot ko.
"Oo! Nag sawa na ako paulit-ulit nalang, walang bago, panay ganun!" Gusto ko nang bago, gusto ko yung pakiramdam na palaging may bago. Sakanya ko nakita yun clay!" Tumulo ang luha ko. "Sakanya ko nakita yung bago di paulit-ulit di tulad mo na ganun lang din. Walang pagbabago!"
"Okay." Ilang sigundo nya pa akong tinitigan bago ako tinalikudan at mag lakad palayo.
~end of flashback~
"Hey, Are you okay?" Naiangat ko ang ulo ko nang may biglang mag salita.
Gusto kong tumakbo palayo. Gusto kong lumayo bigla. Natakot ako nung makita ko si clay sa harap ko.
"C-clay..." napatayo ako.
"Anong nangyari sayo?"
"W-wala na-naman, clay. S-sumasakit lang ulo ko." Palusot ko.
"Kaya naiiyak ka?" Tanong nya. Tumango nalang ako.
Pinahid ko ang mga luha ko at minasdan ang mukha nya. Di ako makakilos kahit na gustong-gusto ko na tumakbo. Kinakabahan ako, natatakot.
"Ka-kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko. Baka kase narinig nya yung mga sinabi ko.
"Hindi naman, kararating ko lang din." Ngumiti sya.
Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako dahil sa ngiti nya. Yung ngiti nya kasi sakin parang walang nangyari 2 years ago, parang wala nalang sakanya lahat, parang nakamove-on na sya. Iniwas ko ang paningin ko sakanya at tumingin sa kung saan.
"Ga-ganun ba-ba... ku-kumain ka-ka na b-ba?" Nauutal ako dahil sa kaba.
"Okay ka lang ba talaga?"
Tinignan ko ang muka ni clay, nag-aalala sya sakin pero di tulad ng pag-aalala nya sakin noon.
"Oo nga." Pinilit kong ngumiti. "Tignan mo nakakangiti na ako." Pinilit kong ngumiti, labas ang mga ngipin ko para mapaniwala syang okay lang ako.
"Nakangiti ka pero ang lungkot ng mga mata mo." Nagulat ako nang sabihin nya yun. Ilang segundo akong nakatitig sakanya bago ko iiwas ang paningin ko't ibinaling nalang sa mga paa ko.
Gusto ko na syang makausap. Kahit na natatakot ako sa sasabihin nya, Tatanggapin ko lahat yun.
Huminga ako nang malalim at tumingin muli sa mga mata nya.
"Cla-" biglang may nag ring na phone.
Kinapa ni clay ang cellphone nya at tinignan ang screen nito. "Excuse me." Paalam nya sakin, tumango lang ako. Lumayo sya nang kaunti sakin at kinausap ang tumawag sakanya.
Isang minuti nyang kausap ang nasa telepono bago sya humarap sakin.
" I have to go." Hinarap nya sakin ang phone nya sakin. "Work." Nagets ko naman ang sinabi nya. Nginitian ko lang sya, kumaway pa sya sakin bago mag lakad palayo.
Huminga ako ng malalim. Nag bagsakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Napaupo ulit ako sa bench at itinakip ang kamay sa mukha ko.
~flashback~
Dalawang araw na ang nakalipas nung bigla nalang nawala si clay. Di na sya pumupunta sa condo ko. Kahit text wala.
Nandito ako sa restaurant ngayon, kasama ko yung taong pinili ko, si james.
Kwento sya nang kwento pero nakatitig lang ako sakanya, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nya.
Napaisip tuloy ako bigla kung tama bang sya yung pinili ko.
"Diba? HAHAHA!" Yun lang ang narinig ko sa mga sinabi nya. Tumango nalang ako para di nya mahalatang di ako nakikinig sakanya.
Dumating ang inorder namin ni james. Hinihintay kong ayusin nya yung kakainin ko pero ilang segundo na ang nakalipas di nya inayos. Nag sisimula na syang kumain samantalang ako hinihintay kong iayos nya ang kakainin ko.
Ganun kasi ang ginagawa ni clay pag kumakain kami. Sinisiguro nyang ayos lahat bago mag simula.
Tinignan ako ni james nang di parin ako gumagalaw.
"Bakit?" Tanong nya saakin.
Napabuntong-hininga nalang ako at ako nalang ang nag-ayos nang kakainin ko. Nginitian nya ako ni james at nag tuloy sa pagkain.
Naiinis ako dahil imbis na sakin sya nakatutok, nasa cellphone ang paningin nya at panay dutdot doon.
Di tulad ni clay. Pag kumakain kami ay walang gumagamit ng phone. Nakakapag-usap kami ng ayos. Kinekwento ang magagandang nangyari sa araw na yun.
Bumalik nalang ako sa pagkain at di nalang pinansin si james.
Gwapo si james pero mas gwapo si clay. Masaya kasama si james nung una dahil may sense of humor. May trill, kaya siguro nag challenge ako sakanya at humantong kami sa ganito. Alam ni james na may boyfriend ako pero wala syang pakilam. Sinusundo at hinahatid nya ako ng patago. Alam kong mali pero nag eenjoy ako. Araw-araw may bagong pakulo si james kaya siguro naging magulo ang nararamdaman ko.
Hanggang sa malaman ni clay ang relasyon namin ni james.
Kitang-kita ko sa mga mata nya yung sakit at naiinis ako dahil nasasaktan din ako nung makita ko yun. Litong-lito na ako. Gusto ko nang bago pero heto ako ngayon malungkot at naguguluhan.
'Tama lang bang ikaw ang pinili ko?' Tinignan ko si james na abala parin kakadut-dot ng phone.
"Hmm.. babe." Biglang nag salita si james kaya napatingin ako sakanya. Nasa cellphone parin ang tingin nya. "Pweding dun ako sa condo mo matulog? Wala naman na yung clay doon diba?"
Naibagsak ko ang kutsara at tinidor sa plato kaya gumawa ng ingay iyon.
Nag tatakang tumingin sakin si james. "Bakit?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng galit. Parang konting salita nya nalang sasabog na ako. Parang isang banggit pa nya ng pangalan ni clay lalanding na ang kamao ko sa muka nya.
Tumayo ako at padabog na kinuha ang bag ko. Tuloy-tuloy akong lumabas at sumakay ng kotse ko. Nakita ko sa side mirror si james, hinahabol ang kotse ko pero huminto din sya nang malayo na ako.
Pinaandar ko lang ang kotse ko hanggang sa makarating ako sa isang park. Ipinarada ko ang kotse ko. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa sakit. Idinukdok ko ang ulo ko sa manibela at doon umiyak.
KINABUKASAN tumatawag saakin si james pero di ko pinapansin. Nang umaga lang yun dahil nung mag tatanghali na ay huminto din sya.
Kinagabihan ay pumunta ako sa midnight bar para uminom. Litong-lito na ako, di ko na alam ang gagawin ko.
Kapapasok ko palang ng bar nang matanaw ko si james sa di kalayuan. May kahalikan itong babae at nakakandong pa sakanya.
Naglakad ako palapit sa pwesto nila. Naghahalikan parin sila. Nang huminto sila at bumaling sa kinatatayuan ko si james, nanlaki ang mga mata nito. Itinulak nya palayo sakanya ang babae at tumayo. Pumatak ang luha ko.
Nanglakad na ako palabas pero hinabol parin ako ni james.
"Xia, mag usap tayo." Tinignan ko lang sya.
"Wala tayong dapat pag-usapan. Wala kanang dapat ipaliwanag ako na mismo ang nakakita." Pinunasan ko ang mga luhang lumalabas sa mata ko. "Ngayon alam ko nang di talaga kita mahal. Na nachallenge lang ako sayo." Sumama ang muka nya sa sinabi ko.
"E bakit umiyak ka nung nakita mo akong may kahalikan?! Iyon ba ang di mahal?! Kalokohan! " tinawanan nya ako.
"Di ako umiyak dahil sa nakita ko. Umiyak ako kasi mali yung disisyon ko. Pinagpalit ko yung taong mahal ako sa taong kagaya mo." Tinalikudan ko na sya at sumakay na sa kotse ko pinaharurot ko iyon, di ko alam kung saan ako patunggo.
'Nasaan ka na clay?'
~end of flashback~
Maling-mali yung naging disisyon ko noon. Nag hihirap tuloy ako ngayon.
Dalawang taon na kaya alam kong medyo o nakamove-on na si clay, at natatakot ako doon.
Baka kase hindi nya na ako tanggapin. Baka mas piliin nya nalang na maging magkaibigan kami. Sinayang ko yung 6 years.
Sinayang ko yung taong handang ibigay sakin lahat. Sinayang ko yung taong aalagaan at mamahalin ako hanggang huli.
Sinayang ko si clay.