Chapter 22 Unti-unting natutumba si Dasha. Dali-dali naman itong sinalo ni Greco. Wala man lang kaalam-alam si Greco na maaaring ito na ang katapusan niya. Samantalang ang mga Flairejj naman ay na-alarma sa biglaang pagkahimatay ng kanilang reyna. Sila'y nagtataka kung bakit nagyakapan kanina ang hari ng Levinio at ang kanilang reyna Bethelia. Hindi nila alam na si Dasha iyon. Nagsilapitan ang mga Flairejj at akmang sasakmalin na si Greco habang siya'y nakaalalay pa kay Dasha. "Huwag!" pigil ni Jenissa. Muntikan ng sakmalin ng isang Flairejj ang likod ni Greco. "Ano ba ang iyong pinagsasabi, Jenissa? Kailangan na nating tapusin ang hari ng mga Levinio! Ipaglaban natin si Countess Bethelia!" katwiran ni Lucian. Isa sa mga Flairejj. "Hindi pa nag-uutos ang reyna. Huwag natin siyang p

