Stalking My Vampire Crush 1
Chapter 1
Dasha
I am Dasha Livaniez. 18 years of age at may diyosa akong best friend. Pagbibigyan ko na lang siya sa pagiging Diyosa niya "kuno" portion para makalibre, eh, kasi poor lang ang lola n'yo.
Isa akong working student; kayod kalabaw sa gabi at nag-aaral naman sa umaga. Ang sipag ko `noh? “
Nagsisipag ako para sa future namin ni Grecomylabs.
Si Greco Blaize Ferrer a.k.a Greco mylabs— ang pinakahot at pinakaguwapo sa buong campus namin.
Siya ang pinakamisteryosong lalaki sa buong Chariolle Academy! Minsan mo lang din siyang marinig na magsalita. Like duh! Kung `di lang talaga ako dukha, binili ko na ang bawat salitang mabibigkas niya sa kanyang mapupulang mga labi. Pero sorry na lang ako. Poor lang, e.
Hayaan niyo na akong magdrama. Minsan lang naman ito.
Before I forgot, nandito nga pala kami sa cafeteria ng school. Tambay muna kami ni Jenissa rito habang wala pa ang aming guro sa Math—ang subject na kung saan mauubos ang dugo ko sa kaka-solve ng value ng ex!
Habang kumakain kami todo search naman ako sa laptop ni bes Jenissa about kay Grecomylabs.
Food is life but Greco is lifer.
Napaigtad naman ako nang magsalita si Jenissa. "Bes! Inii-stalk mo na naman `yang si Mr. Ferrer, `ano?" Si Jenissa lang naman ang partner-in-crime ko pagdating sa pang-ii-stalk kay mylabs. Alam kong malabo ang pangarap kong magustuhan ng isang Greco Blaize Ferrer, pero sabi nga nila; habang may buhay may pag-asa, buhay pa naman ako kaya go lang nang go!
"Bes, alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Um-absent kasi siya sa klase kanina, eh," nag-aalalang tanong ko. Nag-aalala na ako kay Greco. Hindi kaya may sakit siya ngayon?
"O.A mo, bes! Hindi ba p'weding tinatamad lang siyang pumasok sa klase, kaya um-absent? Maka-asta ka r'yan para kang girlfriend," panunukso ni Jenissa. Napanguso ako nang dahil sa sinabi niya. Baka nga tinatamad lang siya. Itinuloy ko na lang muna ang pag kain ng putopow. Puto na siopao pa! Favorite ko `to. Promise. Fifteen pesos lang ang piraso.
Lakas ko lang makapag-endorse, eh.
"Alam mo ba kung nasaan ang bahay niya?" biglang tanong ko kay Jenissa.
Tumaas ang kilay niya sa tanong ko. "Sa ating dalawa ikaw ang stalker niya, kaya dapat ikaw nakakaalam ng tungkol diyan," sagot naman ni Jenissa.
Napaisip ako. May point nga naman siya. Dapat nilubos-lubos ko na ang pang-ii-stalk kay mylabs.
"Wait lang, bes! mauna ka nang umuwi, ah? May dadaanan lang ako."
"Hahaha okay sige alam ko naman kung sino, eh." Ngumisi muna siya sa akin.
"Alis na ako," paalam ko. Tumayo naman kaagad ako para mag-imbestiga kung saan nakatira si Grecomylabs.
Kailangan ko nang makita si Grecomylabs dahil kung hindi ay baka mababaliw na ako!
Sumakay naman kaagad ako sa taxi matapos nang pag-uusap namin ni Jenissa.
"Saan ka ba, hija?" tanong ni kuyang driver habang nakatuon pa rin ang kanyang atensiyon sa daan.
"Sa may Villa Ferrer ho, manong," sagot ko.
Napag-alaman ko kasing doon nakatira si mylabs. Although, nagtataka ako kung bakit. Haler! Isa kaya iyong liblib na lugar na tanging mayayaman lang ang nakaka-afford na tumira do'n. Wala naman akong doubt sa wealth ng pamlya nila. Ang sa akin lang, bakit kaya doon nila napiling manirahan? Balita ko kasi may mga kababalaghang nangyayari doon. Hindi lang ako sigurado kung totoo nga ang balita na nasagap ko.
Mas nabahala tuloy ako sa kaligtasan ni mylabs.
Inayos ko na lang muna ang buhok ko habang hinihintay kong makarating kami sa bahay nila Greco.
"Hija, nandito na tayo," biglang sabi ni kuyang driver.
Huminto siya sa harap ng pulang gate. Nagbayad naman ako kaagad ng 50 pesos at saka lumabas na rin sa taxi.
Pagkatingala ko, nalula ako sa laki ng bahay nila ni Greco.
Mansiyon `to, eh! Ang ganda ganda talaga. Kulay pula ang desinyo ng bahay nila na may halo na konting itim. Hindi pangkaraniwan ang desinyo ng bahay nila pero masasabi kong unique ang façade n’on.
"Knock knock!" katok ko sa gate. Oo, kumatok ako kahit may doorbell. Wala lang, feel ko lang katukin.
“Who's there?” sagot naman ng babae. Pero syempre! Etchos ko lang `yon. Ang totoo niyan ay wala talagang sumagot.
Nag-doorbell na lang ako ng mga tatlong pindot siguro. Hindi kasi effective ang katok ko. Naghintay lang ako dito sa harap ng gate nila ni mylabs, hanggang sa may nagbukas na ng gate.
"Sino po sila?" tanong ni ate.
"Si Dasha po ako, future wife ni Grecomylabs!" sagot ko agad-agad.
Kasambahay yata nila ito. Nakasuot siya ng kulay itim na uniform na pang maid. May headband siyang suot na may sungay at saka may make-up na parang miyembro siya ng isang rock band. Ang fashionista naman ni ate. Feeling ko ay nasa edad trenta na itong si ate. Nag-fe-feeling bata lang siguro.
Tiningan niya naman ako mula sa ingrown ko sa paa hanggang sa huling hibla ng aking buhok sa ulo.
Makatingin `tong si ate para akong isang magnanakaw, holdaper o kidnapper! Pero kung si Grecomylabs naman ang ki-kidnap-in ko, why not `di ba?
Ay erase! Erase! Malinis ang hangarin ko kay mylabs!
"Who is she?" Napaigtad ako nang dahil sa babaeng sumulpot na lang bigla sa aming harapan. Makinis ang balat niya. Nakakainggit din ang beautiful face niya. Kaya siguro um-absent si mylabs dahil sa kanya. Napanguso na lang ako sa isiping iyon. Ang unfair ng world! Loyal ako sa kanya, pero siya, loyal sa iba.
"Ako po si Dasha," nakangiting sagot ko sa tanong ng babaeng kalalabas lang.
"Why are you here, young lady?" tanong niya.
Sinipat niya rin ako mula paa hanggang ulo. Katulad ng ginawa sa akin kanina ng maid yata nila.
"Manliligaw po ako ni Grecomylabs!" lakas-loob kong sabi.
"Huh? Manliligaw ka ng anak ko?" gulat na tanong niya. Napatakip pa siya sa kanyang bibig gamit ang kaniyang mga kamay.
Mergheeed! Ibig sabihin mother-in-law ko pala itong kaharap ko ngayon?!
In fairness ang ganda ni madiiir ha! Kaya pala gwapo rin si mylabs.
"Umuwi ka na, hija. You are not supposed to be here."
"Tita, please, nagmamakaawa ako sa inyo. Gusto ko lang makita ang mylabs at sunshine ko. Sayang naman po ang binayad ko sa taxi kanina. Fifty pesos pa po `yon. Tatlong araw na baon ko pa sana `yon," naiiyak na paliwanag ko. May kasama na ring pangongonsensiya.
Wala nang atrasan ito. Sabi nga nila; No guts no glory.
"How did you know our house?" tanong niya.
"Stalker po ako ni Greco," sagot ko naman kaagad. Tiningnan niya ako na para bang sinisipat niya kung mukha ba akong magnanakaw o kidnapper.
Wala yata talaga silang balak na papasukin ako. Base sa itsura ko. Mukhang mahirap nga yata akong pagkatiwalaan.
"Ah, I see." ang tanging naisagot niya lang. `Yon lang? Walang enter-an na magaganap?
"Pwedi ko po siyang makita?" nagbabakasakaling tanong ko.
"I don't think so hija."
"Ma'am, gagawin ko po ang lahat; mag-iigib, maglalaba, maglilinis at maghuhugas po ako ng mga pinggan kung kinakailangan. Mag-ii-split na rin po ako with matching tumbling! Hayaan niyo lang po akong makita si Grecomylabs. Um-absent kasi siya kanina."
Naiiyak na ako rito sa labas ng gate nila. Hindi ba talaga nila ako hahayaang makapasok? Gusto ko lang naman na makita si Greco mylabs.
"Manang let her in," utos niya sa kanilang maid na bumukas ng gate kanina. Nabigla ako sa sinabi niya.
Yeheeey! Sa wakas!
"Miss nagagandahan ako sa `yo. Fresh na fresh. Hmmmmm..." say ni ateng maid.
Nakakatakot ang way niya nang sinasabi niya iyon habang sinasabi niyang fresh na fresh daw ako. Parang may iba akong na-feel. Nanindig pa nga ang balahibo ko no'ng sinabi niya `yon.
Alam ko naman talagang fresh ako. Bumili kasi muna ako ng V-Fresh na bubblegum bago sumugod dito. Para sa bawat paghinga at pagsasalita ko, hindi lumayo si mylabs sa `kin. Ang talino ko, ano?
Baka kasi mabalitaan ko na lang na namatay si Greco mylabs nang walang galos.
Cause of Death: Amoy daga’ng hininga ni Dasha.
Nakakahiya iyon `di ba? Ang dahilan ng kamatayan ng crush mo ay ang amoy daga mong hininga. Saan naman siya maghahanap ng hustisya kung saka-sakali? Kaya salamat talaga sa aking V-Fresh mint.
"Hehehe, thank you po, kayo rin po mukhang fresh," pang-e-etchos ko na rin sa kanya.
Kailangang good shot ako sa mga tao rito sa bahay nila. Para wala nang makakahadlang sa aming pagmamahalan ni Grecomylabs. Hindi man ngayon at hindi man bukas. Pero sisiguraduhin kong kaming dalawa ang magkakatuluyan.
Itaga niyo pa sa abs niya!
"Laban lang nang laban basta't si Greco ang pinag-uusapan."