Chapter 13 Dasha PAGKATAPOS naming inumin ang Alaska at Bloodwine. Lumabas naman agad si Greco, may pupuntahan daw kasi siya. At dahil stalker ang role ko rito. Alam nyo na naman ang gagawin ko. Susundan ko na naman siya. Nag-aalala ako baka kasi mapaaway na naman siya sa mga Flairejj. Tapos sabog na naman ang fes niya pagkauwi. Pagkalabas niya ng bahay. Pumara agad ako ng Taxi. Pumasok na ako sa loob ng Taxi alangan namang sa gulong lang ako. "Ikaw na naman?!" Nagulat pa ako dahil sa boses ni kuya! Naaalala ko siya, eh. Siya rin `yong sinakyan ko rin dati! Grabeh! Personal service ko na yata si Kuya. Kada pang-ii-stalk ko kay mylabs, to the rescue na lang siya palagi. May radar yata itong si kuya. "Magbabayad na po talaga ako." "Weh?" "Promise po." Tiningnan niya pa ako na para

