Chapter 9 Dasha "Ano ba talaga ang nangyari sa `yo mylabs?" tanong ko habang nilalagyan ng malunggay ang mga sugat niya. Alam niyo ang nakakainis? Kasi kahit mukhang sabog na ang mukha niya, ang hot hot pa rin niya sa paningin ko! Hustisya naman, Grecs! "Nabunggo lang sa puno," sagot niya. Napangiwi naman siya nang diinan ko ang paglalagay ng bulak sa mga pasa niya. “Mylabs, ang totoo,” seryosong sabi ko. "Okay. Napaaway ako sa isang Flairejj," sagot niya. "Ano?! Nasaan na siya? Resbakan ko para sa iyo." "Nakatakas na. Kilala mo ba si Blade?" pagtatanong niya. Mataman niya akong tiningnan ni hindi na nga siya kumurap-kurap, eh. "Ayieee! Nag-je-jelling ka ba? Naku! `wag kang magselos do'n, my labs. Alam mo namang loyal ako sa `yo. At saka nakilala ko lang siya noong nagselos ako

