Chapter 20 Dasha "Dasha!" tawag ni Jenissa sa akin. "Bakit?" walang ganang sagot ko. Medyo na drained yata ang utak ko sa mga nangyayari. Paano ako napasok sa ganitong sitwasyon? Dati, normal lang ang buhay ko. Nang-iistalk lang ako sa crush kong si Greco, pero ngayon marami nang nag-iba.May mga bampira na akong nakikilala at magkalaban pa. Gusto kong maibalik 'yung dati na pagbili lang ng putopao ang pinoproblema kong talaga. Kasi ngayon, pati ang propesiya binabagabag na rin ako. "Huy! Aligaga ka r’yan?" "Jen, do you believe in vampires?" I asked her. "Bwahahahahahaha. Bampira? Si Edward Cullen lang naman ang kilala kong bampira eh! 'Yung sa twilight ba `yun?" "Paano kung nag-eexist sila?" "Dasha, hintayin mo ko, bilhan lang kita ng putopao, gutom lang `yan." Umalis naman ito

