Chapter 7 Dasha Flying at the moment ang peg namin ngayon. Ewan ko ba kay Grecomylabs kung bakit siya nag-ibang anyo at sinabing isa siyang bampira. May bampira bang nag-e-exist? Malamang meron. Bampira nga raw siya. At saka may ebidensya. `Yon na nga! So, ang ginawa ko dumipa ako na para bang fi-ne-feel ko ang moment na ito. Kitams! nasa gitna na nga kami ng giyera nagawa ko pang mag-moment. Medyo nakakaasiwang tumingin sa ibaba kasi feeling ko, eh, mahuhulog ako. "Okay lang na ma-fall kay Greco, `wag lang sa semento." Naisip ko lang bigla. "Grecomylabs! bakit ka nag-evolved? Para kang pokemon," komento ko. Napahinto naman ito at saglit na tumingin sa akin. Nananatili pa rin kaming nasa himpapawid. "Why do you ask a lot of question, Stuup?" tanong niya. "Kasi curious ako?" sagot

