Pinilit ni Hans na gisingin si Angela. "Baby, wake up." Malambing na bulong rito sabay marahang yugyog sa balikat. "Angela..." Pupungas-pungas na nagmulat ng mata ang tinawag. Hindi makapaniwalang nakatulog nang ganun kalalim sa bisig ni Hans. And she wanted to stay there and rest in his arms. "I-I thought its not safe to go out." Lumambot ang ekspresyon ng binata sa nakikitang itsura ng kasama. Para itong batang bagong gising. Swollen eyes her lips a bit pouty. "Dumating na ang team ko." At imwinestra ang kapote at flashlight na naka-ready malapit rito. Inabot ni Hans ang kasamang bottled water at binuksan saka inabot sa dalaga. Saka lang nakaramdam ni Angela ang pagka-uhaw nang dumantay sa lalamunan ang tubig. Isang tawa ang pinakawalan ni Hans nang makitang naubos ang laman ng bot

