Isang tikhim ang gumambala sa pagkakatigagal ni Hans. Nalingunan niya si Xander na may pigil na ngiti sa labi. "Kunwari wala akong nakita." Tumikhim siya bago seryosong nagtanong rito. "Nasaan si France?" Kailangan niyang makausap ang dalaga ng sarilinan. Gusto niyang tiyakin mula rito kung totoo ang sinabi ni Panlilio. "Sinabi ba ni Kapitan na siya ang nag-utos rito? Kinompronta ko kasi siya pagdating niya rito. Ang sabi niya'y sinunod lang niya ang utos ni France." Hindi maipinta ang mukha ni Has na nagpatiuna papunta sa opisina kasunod parin si Xander. "Magbihis ka kaya muna." Suhestyon nito at tinignan ang suot ni Hans na galing pa ng awarding ceremony. Kahit ang office shoes nitong puno ng natuyong putik ay hindi nito alintana. Hindi pinansin ni Hans ang sinabi nito. Kailangan ko

