Angela VI: She was hurt

3024 Words
"Sana'y ipinahanap mo nalang siya sa ibang kasamahan natin." Suhestyon ni Xander sa nakikitang reaksyon ni Hans nang makabalik ito mula sa paghahanap kay Angela.  Si Hans na pilit mang itago ang galit na nakarehistro sa mukha ay hindi magawa. Ginigising ni Angela ang lahat ng nakatagong emosyon niya. Pagkatapos nang pagpaparoon at parito sa loob ng opisina ay naupo sa sariling upuan."Sa tingin mo ba'y pwede kong ipaubaya ang kaligtasan niya sa iba? Dalawang mahalagang tao ang nagbilin sa kanya mismo sa akin kaya hindi pwedeng masaktan ni dulo ng buhok niya." Nagkatinginan sina Xander at ang dalawa pang bisitang nasa loob ng opisina na namamangha sa ikinikilos ng kasamahan. "Paano ang mga inaasikaso mo kung ganoon. Importante ang ipinagpaliban mong meeting kanina." Paalala ni Fritz rito. Ilang beses na silang nagkasama sa ilang mahihirap na misyon bilang myembro ng Black Eagles pero hindi niya kailanman nakita ang ganoong reaksyon ng binata. Si Hans Joseph Montebalnco ang tanging sundalong nakilala niyang hindi kailanman nakaramadam ng kaunting takot at kaba during operations. Maging ang pagiging OIC ng Quezon at lider ng grupong kinabibilangan ay minamani nito, pero pagdating sa dalagang Martinez ay talagang namomroblema ito. "And it's not so you to do this thing, let me remind you that you are a candidate for another promotion," saad naman ni Wesley. Naihilamos ni Hans ang sariling palad sa mukha. "Kung ako ang masusunod ay isasama ko sa bakbakan ang babaeng yun at nang makaramdam ng kahit kaunting takot sa katawan. God! she is really stubborn." Bahagyang natawa ang tatlo hindi dahil sa sinabi ng kaibigan kundi sa kasalukuyang itsura nito.  Nang malaman ni Hans na wala sa sariling silid nito si Angela ay nag-utos ito ng mga maghahanap sa dalaga sa pligid ng headquarters, at nang hindi makita'y hindi ito nagpunta sa meeting at naghanap na rin. Hindi nanaisin ng tatlong myembro ng Black Eagle na makita sa bakbakan ang itsura ni Hans nang makabalik sa opisina. And knowing na nasa labas lang ng base si Angela. Well, may basis naman ang galit nito. Bukod sa mahalagang tao ang dalaga'y maaring nasa paligid lang ang mga rebeldeng pinagahahanap parin nila. Idagdag pa ang report ng kahina-hinalang lalaking aaligid-aligid sa labas ng headquarters.  Pero ang hanggang ngayo'y hindi parin humuhupa ang galit nito ay siyang nakapagtataka. "Gusto mo bang magtalaga ng taong pwedeng magbantay sa kanya para mapanatag ka?" suhesyon ni Xander. Sandaling hindi sumagot ang binata at sa huli'y umiling. "Hindi ko siya pwedeng ihabilin sa kung sinuman. Hindi ka pwede dahil importante ka sa team mo." Inunahan ni Hans ang kaibigan ng mabasa ang ibinabadya ng mukha nito. Nasa isang importanteng misyon ito kung saan tinutugis ang mga NPA na nais manahan sa mga sinasakupan nila. "And you two can proceed. As you can see hindi ako pwedeng mag-leave or si Xander." "Well, I can do it if you want since I'm currently on vacation." Kibit-balikat na volunteer ni Wesley. "Oh shut up, Wesley! Kung hindi ko pa alam ay may tinataguan kang babae kaya pumayag ka sa pabor na hiningi ko" He laughed and threw up his hands in surrender. "Anong balak mo ngayon sa kanya?" si Xander ulit. Nagkibit-balikat si Hans na bahagya ng kumalma. "Kung kinakailangang ikulong ko siya para lang sa kaligtasan niya ay gagawin ko. Besides , wala na siyang dahilan para lumabas ngayon." Itinaas ni Hans ang cellphone ni Angela sa pagkamangha ni Xander at ng dalawa pang naroon. "That's so possessive of you big boss." "Baka magwala siya," worried na dagdag ni Xander sa komento ni Wesley knowing the tantrum of the lady. "She already did." Kaswal na sabi ni Hans. "Ang bilin ng kuya niya'y bantayan siya at huwag hahayaang makalabas mag-isa habang narito siya. Hindi naman niya sinabi kung paano ko gagawin yun. So I'm doing it my way." "Sandali Hans, ginagawa mo dahil sa bilin ni Ms Sebastiano? dahil sa kuya niya na kaibigan mo o may iba pang dahilan?" naghihinalang tanong ni Wesley at nilangkapan ng panunukso ang tinig.  "Kung anuman ang nasa isip mo'y nagkakamali ka. Kung may ibang personal na damdamin man ako sa kanya, iyun ay dahil sa kapatid siya ni Aaron. That's it." Hindi na kailangan sabihin ditong may tangka sa buhay ng dalaga kaya siya nagkakaganoon. "Are you sure?" panggagatong ni Fritz na may pigil na ngiti sa labi. Tinignan niya ng masama ang mga ito. Ang bahagyang pagka-off guard ay pinagtakpan ng kunwaring galit.  "Naniniwala na ako " Tatawa-tawang sabi ni Wesley. "Kunwari." dagdag nito. And then the three laughed at his reaction na lalong nagdilim ang mukha. Samantala, nang makabalik si Angela sa kwarto ay sandaling napatitig sa kawalan. She suddenly wanted to go home. She is getting tired with the arguments she always have with the specific soldier. "You are in a wrong place in a wrong time, Angela." Malungkot niyang bulong sa sarili. Tuluyan siyang humiga sa kama at ilang beses humugot ng malalim na hininga. Hindi niya kailangang makaramdam ng ganuong disappointment dahil lang sa lalaki. He was being too much on her. At idagdag pang may pinag-dadaanan talaga siya nitong mga nakaraan. "This is your fault, Dennis." She blamed the man na siyang rason kung bakit niya ginustong pumunta sa lugar na yun. And again felt the familiar pangst of pain on her chest. Pinagsisihan ang nakalipas na taon na hindi siya nagsabi rito ng totoong damdamin.  Inubos ng dalaga ang oras sa loob ng kwarto upang iwasan ang nagkalat na mga sundalo sa labas. She's beginning to hate the place. The place or that one specific soldier? Kantyaw ng sariling isip. Napaungol siya at inalis sa isip ang naging eksena nila ni Second Lt. Monteblanco at mariing pumikit. Sa muling pagdilat ng mata ay napansin niya ang madilim na kapaligiran. Dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa banyo. Pagkatapos ay saka lumabas ng silid. Sa corridor ay nakasalubong niya sina Lt. Amigable at ang kinaiinisang sundalo. Isang tango ang pinakawalan niya na nakatutok ang mata kay Lt. Amigable at nilamapasan ang dalawa. Didretso na sana siya nang magsalita si Second Lt. Monteblanco. "Madilim na, lalabas kapa?" Walang bahid ng paninita ang tono nito. Pumihit si Angela at nilingon ang nagsalita. Maya-maya'y nag-decide na bumalik sa pinanggalingan. Nayayamot pero hindi nakipag-argumento.  Si Hans at Xander ay nagkatinginan sa naging reaksyon ng dalaga. "Mukhang nagtatanpo si Ms. Martinez." Saad ni Xander na nasundan ng tingin ang dalagang palayo.  Si Hans ay nagsalubong ang kilay sa naging reaksyon ni Angela. Sandaling napaisip. Nakaramdam ng pagkaligalig dahil sa hindi pag-sagot ng dalaga sa kanya ngayon. "Wag mo siyang masyadong rendahan. Naninibago siya marahil sa lugar. Ni wala siyang makausap dito, baka nga nabuburyo na siya." "Dapat ay expected na niya ang ganito nang gustuhin niyang magtungo rito." Katwiran ni Hans. "Pero hindi niya inasahang ma-stranded dito." Kontra ni Xander. "Come on Hans, masyado kang uptight pagdating kay Ms. Martinez. Ang nangyari kanina ay mukhang hindi naman niya sinadya. Kinuha mo pa ang cellphone niya. I don't know anything about woman pero sa tingin ko'y hindi nagugustuhan ni Ms Martinez ang sobra mong paghihigpit." Pagbibigay opinyon ng binata kahit hindi naman hinihingi ang opinyon. "Give her the benefit of the doubt." "Alam mo ang report tungkol sa kanya hindi ba?" Naroon ito nang sabihin ng tauhan ang tungkol sa kahina-hinalang lalaki sa paligid ng base. Kaya nabanggit niya rito ang napag-usapan nila ni Aaron.  "Pero hindi pa tayo sigurado kung siya ang pakay." Hindi nakasagot si Hans sa tinuran nito. Hindi rin maintindihan ang sarili. Mula nang mai-report ang tungkol doon ay hindi na magawang mag-focus ng binata. Sa tuwina'y may banta naman talaga ng panganib ang trabaho nila. At hindi miminsang pinasok ang headquarters ng ilang matatapang na rebelde. Pero ngayong nandito si Angela, kulang nalang ay manatili siyang gising bente kwatro oras. Naliligalig siya kapag hindi niya alam kung nasaan ito. "Relax, Hans." Tinapik ni Xander ang balikat ng kaibigan. "Masyado kang nag-iisip. Walang mangingimig pasukin ang base dahil nandito ka at ako. Bukod pa sa nasa malapit lang sina Wesley at Fritz." Pagbibigay assurance sa kaibigan sa alam niyang alalahanin nito. Kinaumagahn ay pilit iniwasang muli ni Angela ang naturang sundalo. She needed a piece of mind. Ang anumang hindi nila pagkakaunawaan ng naturang sundalo ay gusto na niyang matapos sa pagkuha nito ng cellphone niya. Naglalakad-lakad siya sa labas enjoying the early morning breeze nang kunin ni Captain Panlilio ang atensyon niya. "Nabuburyo ka marahil Miss Martinez." May pagka-aliw sa matang turan nito. Muli ay nais mapangiwi ni Angela sa  isang pirasong damo na ng nakalagay sa bibig nito. Tumingala ang lalaki sa kalangitian. "Mukhang matatagalan ka sa pananatili rito dahil hindi magagawa ang daan hanggat hindi humuhupa ang pag-ulan. Bakit hindi mo hilinging maglibot sa paligid ng Quezon." Suheystyon nito. As if papayagan ako ng sundalong yun, gusto niyang sabihin pero nanatiling tahimik. Humakbang palapit si Captain Panlilio kaya awtomatikong napaatras si Angela. Ang totoo'y hindi komportable ang dalaga rito. Hindi niya maintindihan pero tila may negative energy siyang naba-vibes mula sa naturang sundalo. Pati ang ilang ulit niyang aksidenteng pagkahuli sa kakaibang kislap sa mga mata nito sa tuwing tumitingin sa ilang kasamahan. Partikular kay Second Lt. Monteblanco. May palagay siyang hindi magkasundo ang dalawang lalaki. Kung ganuon ang ugali niya malamang hindi talaga sila magkakasundo, katwiran ng isip. Hindi napansin ni Angela ang lubak kaya muntik na siyang matumba. Mabuti nalang at agad siyang naalalayan ng kaharap. "Mag-iingat ka Miss Martinez..." Agad niyang binawi ang braso mula rito. Mataktika siyang nag-excuse dito nang tangka siyang muling hawakan at tinahak ang pabalik sa main building. Nais lang siya marahil alalayan nito pero hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nailang sa pagkakadikit ng balat nila.  Binigyan niya ng huling sulyap ang pinanggalingan at nakita niya ang pagsunod ng tingin ni Captain Panlilio sa kanya bago kunin ng bagong dating ang atensyon nito. At hindi nagustuhan ni Angela ang kislap ng mata ng lalaki.  Hindi niya napansin ang isang mababaw na hukay na dahilan ng pagkawala ng balanse at tuluyang natumba. Ipinagpasalamat niyang hindi tuluyang sumubsob ang mukha sa putikan dahil nagawa niyang itukod ang mga kamay. "Awww!" she cried in pain and made a loud groan.  Tangkang iaangat ang sarili nang makaramdam ng bahagyang pagsigid ng kirot sa kanang paa. "Ouch!"she complained again. "Angela, why are you so careless," she hissed. At hindi napigilang mapaungol nang mapansin ang putik sa kamay at damit.Ewwww, nagusot ang mukha niya.  Napapikit siya ng mariin. Kailangan niyang makatayo habang wala pang nakakapansin sa kanya. It will be too humiliating if someone sees her. Nang magmulat siya ng mata'y nakita niya ang binting nakatayo sa harapan. Awtomatikong nagtaas siya ng mukha. Hindi napigilan ng dalaga ang muling mapaungol. If she could only place her hands on her forehead. But doing so will add up to the embarrasment that she's feeling right now. Any help will do? Pero sa dinami-dami pa ng tao'y bakit si Second Lt. Monteblanco pa. Angela uttered a silent curse. Si Hans ay hindi napigilang ang pagsungaw ng amusement sa mga mata. Alam na siya ang huling taong nais makita ni Angela sa sitwasyon nito. Hindi nagsalita ang binata at inilahad ang kamay upang tulungan ito.  Sandaling napatitig doon si Angela. Kung tatanggi siya, bukod sa magmumukha siyang childish ay kailangan niyang manatili doon hanggang sa maging okay ang paa niya. Hindi makakabawas sa pagkatao niya kung minsan ay lulunukin niya ang pride. Besides mukhang hindi apektado ang binata sa ilang beses nilang sagutan at sa pag-iwas niya rito.  Inabot niya ang kamay nitong nakalahad at walang kahirap-hirap siyang tinulungan nitong makatayo. Angela uttered a silent 'thanks' without looking at him. "Are you okay?" tanong ni Hans at pilit hinuhuli ang mata ni Angela.  Nagulat si Angela sa tanong pero tumango bilang sagot. May nahimigan ba siyang pag-aalala sa tinig nito? Tangka siyang aatras upang magbigay ng distansya sa pagitan nila nang maramdamang muli ang pagsigid ng kirot. Mabuti nalang at maagap ang binata at nahawakan siya sa magkabilang balikat. "Stay still, baka may naipit na ugat," ani Hans at tumingin sa paa niya. "I think so..." wala sa sariling ng dalaga at bago pa matapos ang sasabihin ay niyuko siya ng binata. And before Angela knew it ay naramdaman niya ang pag-angat sa ere. Walang kahirap-hirap siya nitong pinangko. "Hey...." Napigil niya ang salitang nais sabihin at naitakip sa bibig ang isang kamay habang ang isang kamay ay napayakap sa leeg nito dahil sa labis na kabiglaan. "I-I'm heavy," namumulang bulong niya.  "Maniwala ka Angela, kasing-gaan ka lang ng dahon."  Napalunok si Angela at napigil ang paghinga nang matitigan ng malapitan ang gwapong mukha ng sundalo. A classic good looks, at kahit anong gawin niyang titig ay hindi siya makahanap ng kapintasan dito. She particularly loves his nose, and eyes. And his lips? tudyo ng isang parte ng isip. You shouldn't ask the obvious, sagot ng isa pang parte. Oh! Stop it, suway niya sa sarili. Nagsisimula na kasing bumayo ng malakas ang puso niya na tila ba gusto niyong kumawala mula sa manipis na dibdib. She looked away bago pa siya tuluyang mag-swoon sa lalaki, trying to fight off the blushing of her cheeks. Nais niyang tanungin kung saan siya nito dadalhin ngunit inunahan siya ngpagka-pahiya. Her heart became uneasy. Lalo na nang muling masamyo ang natural na lalaking-lalaking amoy nito. The fresh smell of after-rain combined with his natural scent. Relaxing and refreshing. Ang ang sarap amoy-amuyin. Tuluyang isinubsob ni Angela ang mukha sa leeg ng binata. Kinailangan pa niyang pigilan ang sariling huwag ilabas ang dila to taste his skin. Shed been curious for a while. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang init na unti-unting nabubuhay sa loob niya lalo na kapag napapalapit siya ng ganito sa lalaki. At bago pa siya dalhin ng sariling imahinasyon kung saan ay naramdaman ni Angela ang paghinto nila. Awtomatikong nagmulat siya ng mata. Dahan-dahan at maingat siyang iniupo sa isang pahabang bangko sa ilalim ng punong manga. Sinupil ang paghihinayang na wala na siya sa mga bisig ng lalaki. Pagkatapos ay naupo ito sa harap at niyuko ang paa niya. Nang tangka nitong aabutin ang nasaktang paa ay inatras niya iyun. "Titignan ko kung may naipit na ugat," anito at tangkang aabutin ulit ang paa niya. "I-I can do it," aniya at agad yumuko upang tanggalin ang sariling sapatos. Never did Angela realized na dahil sa ginawa ay nagpantay ang mukha nila. At sa isang pagbaling niya sa binata ay napigil niya ang sariling paghinga. Their face inches away. For a moment they just stare at each other. Maya-maya'y bumama ang mata ng binata sa labi niya and she felt her lips burned. Ilang beses siyang napalunok as she saw her own reflection on Second Lt. Monteblanco's eyes. Ginaya niya ito at bumaba rin ang tingin niya sa mga labi nito. His lips are definitely worthy of celebrating. Bigla siyang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan na tila siya nauuhaw. And those lips seems inviting. Napaungol siya ng lihim. Muling ibinalik ng dalaga ang tingin sa mga mata ni Lt. Monteblanco. Yearning. Hunger. Desire. Or was it her own emotion reflecting on his? Shocked registered in her mind. Then denial. It must be Lt. Monteblanco's emotion and not hers. Imposible! Hindi niya maaring maramdaman ang mga emosyong iyun para rito. She reluctantly hate him for whatever reasons. Si Angela ang unang nagbawi at tumuwid ng upo, agad nag-iwas ng mukha. She inhaled and exhaled as she blushed. She have to slow her heart at kanina pa yun bumabayo sa dibdib niya. Bigla siyang naguluhan. Why is she having this abnormal reaction towards the specific soldier gayong sanay siyang napapaligiran ng mga lalaki. Hotter, sexier ang more handsome than him. Because he is natural! sagot ng sariling isip. The man is naturally born handsome. Hindi tuld ng ibang kalalakihanh nakakasalamuha niya na sinadyang magpalaki ng katawan sa gym at daig pa ang babae sa dalas bumisita sa dermatologist. Naramdaman niya nang iangat ng lalaki ang isang paa at sinimulang hilutin. "Awww!" she complained at nakagat ang pang-ibabang labi. "Be still!" "B-But it hurts." Mahinang complained niya. Ilang beses niyang nahila ang paa mula rito dahil sa pagsigid ng kirot kapag ginagalaw. But then she was surprised on how patient he is. Hindi ito nagpakita ng pagka-inis. And she was a bit touched. Pasimple niyang pinasadahan ang tapat ng dibdib habang lihim na minamasdan ang ginagawa nito at ang gwapong mukha ng binata.  Mababakas ang hirap ng trabaho at training sa malalapad at matigas na kamay ng lalaki pero nakapagtatakang banayad ang hagod ng palad nito sa maselang balat niya. Will it feel the same if he touched another part of her body? Oh, Angela, can you please stop thinking nonsense ! suway niya sa sarili. Nag-init ang punong-tenga niya dahil sa likot ng sariling imahinasyon. And just the thought of it makes that steamy hot thing rush inside her na hindi niya alam kung saan nagmumula, ano pa kaya ang real thing. You are crazy! she told herself and shook her head. May palagay siyang nawawala na siya sa sariling  katinuan dahil sa mga pumapasok sa isip. Kung bakit mula nang makilala ang naturang sundalo ay nagkaroon siya ng mga morbid thoughts gayung hindi naman ito naghuhubad sa harap niya. Mabuti nalang at busy ang binata sa ginagawa at hindi nito napapansin ang malalagkit na tinging ipinupukol ni Angela rito.  Maya-maya'y ibinaba ni Lt. Monteblanco ang paa ng dalaga at ito na rin ang boluntaryong nagsuot ng rubber shoes niya.  "It will be okay. Huwag mo lang munang pwersahing ilakad." Tumuwid na ito. Tumango siya at umusal ng mahinang pasasalamat, pilit paring iniiwasang magsalubong ang mga mata nila.  Maya-maya'y dumukot ito sa bulsa ng suot na uniform at may inilabas mula roon. Napatingala si Angela rito nang ma-recognized ang sariling cellphone sa palad nito. Hindi siya nag-abalang kunin iyun mula rito. Ilang sandaling tanging ang mabining pagdapyo ng hangin sa mga dahon ng puno at damo ang namagitan sa kanila. Inabot nito ang isang kamay niya at inilagay roon ang gadget. "Hindi ko dapat kinuha ito. I'm sorry for losing my temper."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD