She must be crazy! Biling baligtad siya sa inookupang kwarto mula pa kanina pero wala parin siyang makuhang sagot sa tanong na gumugulo sa isip. You are crazy! Angela told herself. Why are you acting so affected! Its just a damn hug! Panenermon niya sa sarili.
Paano naman kasi, sa tuwing makakasalubong niya ang naturang sundalo ay hindi niya mapigilang hindi pamulahan.Tulad kanina, nais niya sanang puntahan si Second Lt. Monteblanco sa opisina nito nang aksidenteng makasalubong ito sa pasilyo.
And instead of approaching him ay natigilan siya at nag-alangan. Kung bakit biglang pumasok sa isip ang nangyari nung nakaraang gabi nang dumako ang mata nito sa kanya. Her initial reaction was to stepped back dahil sa biglang pangangapal ng pisngi na hindi niya alam kung bakit. She must be feeling awkward. Kaya naman nauunsyami ang gagawin pagpapaalam rito.
She sighed at wala sa sariling nilingon ang bintana. It was still so gloomy outside. Nagulat pa siya nang biglang tumunog ang cellphone. Galing kay Joaquin ang mensahe. Tinatanong kung nakalabas na ba siya ng base.
Napabangon siya bigla at nagusot ang ilong. She needed to approach Second Lt. Monteblanco. But the question is how? Nang hindi siya nakakaramdam ng anumang abnormal na reaksyon kapag kaharap ito. Dahil kung patuloy siyang magkaka-ganun ay hindi niya maisasakatuparan ang talagang dahilan ng pagpaparoon sa naturang lugar. You have to do it! She urged herself.
Tumayo si Angela mula sa kama at sandaling inayos ang sarili sa salamin. Saka buo ang desisyong lumabas ng kwarto at dumiretso sa opisina ng lalaki. Nadatnan niyang nakaangat ang pinto ng opisina kaya itinulak iyun pagkatapos ng magaan na pagkatok.
"H-Hey, I ah just want to say somehing!" Alanganing sumungaw sa pinto ng opisina si Angela.
Magkasalubong ang kilay ni Lt. Monteblanco nang mag-angat ng mukha mula sa binabasabang report. "Hindi ko nais pasamain ang loob mo Miss Martinez, pero hindi kita binigyan ng permisong pumasok sa opisina ko."
Bahagyang nakaramdam ng pagkapahiya ang dalaga. "I-I did knock." she defended, shocked by his sudden coldness.
Lalong nagdilim ang mukha nito.
"I really did!" She insisted in a soft voice feeling so hurt why he became distant again. Tuluyang pinanlakihan ng mata at nag-alangan. Hindi itinago ang pagdaramdam sa mukha.Totong kinatok niya ito ngunit sadyang nakatutok ang atensyon nito sa kung anumang papeles na binabasa.
Sandaling natigilan si Hans sa nakitang reaksyon ng kaharap at tuluyang binitiwan ang hawak bago magsalita. Hindi nito intensyong maging malamig sa dalaga pero may imprtante itong binabasa. "You are saying something?" pag-iiba nito.
"I-I have to go somewhere else." Hindi nagpaligoy-ligoy na saad ni Angela, walang kangiti-ngiti sa labi. Ang galit para sa binata ay unti-unting nauuwi sa pagtatampo. Hindi niya alam kung paanong pakikitungo pa ang gagawin niya rito. He really must have hated her. Hindi niya alam kung bakit bgla siyang nalungkot.
Huminga ng malalim ang binata at tuluyang sumandal sa upuan at matagal siyang tinitigan.
Angela tried to look away. "D-Don't worry hindi ko hihilinging samahan mo ako o kung sino man sa mga tauhan mo." She paused, but no answer from him. "I'll be back...." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita na ito.
"No!" mariing tanggi ng binata at muling dinampot ang papel.
Nagulat si Angela aa tinuran nito. "W-what do you mean by that?"
"It's a no, hindi kita binibigyan ng permiso para umalis." Matabang na sabi nito.
Marahas siyang huminga at pilit kinalma ang sarili sa pagbangon ng inis para rito. Heto na naman po sila. "Then I'm not gonna ask for your permission." Matigas niyang sabi. Akala ba nito ay kaya siyang pigilang umalis!
Lumalim ang gatla sa noo ng binata. "Mahirap bang intindihin ang sinabi ko Angela. It's a..."
"You don't have the right to stop me..." pero taliwas ang tono ng tinig sa nais iparating. Medyo na-caught off-guard siya sa pagtawag nito sa first name niya. Pilit niyang itinago ang epekto ng tila musikang pagbigkas nito sa pangalan niya. Oh why does her name sounded special so suddenly.
Nagdilim ang mukha ni Hans sa sinabi ng dalaga. Mauubusan siya ng pasensya sa naturang babae. "Kung ganoon pala'y bakit mo pa hinihingi ang permiso ko?" may bahid ng pagkapagal ang tinig.
Sandaling hindi nakasagot si Angela. Bakit nga ba? Maging siya'y pinagtatakhan ang sarili. Naiinis siya sa binata at ilang beses niyang pilit iniwasang magsalubong sila pero bakit nga ba nag-abala pa siyang puntahan ito sa opisina nito at magpaalam.
Because it is the right thing to do! She wanted to answer! But damn if she will tell him, lalo na sa coldness na pinapakita nito ngayon sa kanya.
Si Hans ay nagpatuloy sa pananahimik ng kaharap. "It's a no Angela at nais ko mang pahabain pa ang diskusyon natin ay hindi ako pinapayagan ng aking tungkulin." Bahagya nitong inangat ang papel to stress the obvious.
Napatiim-bagang siya at nakuyom ang kamao. Somehow iba ang inaasahan niyang response mula rito. Why is he being hard on her? Hindi tuloy niya mapigilan ang patuloy na sumama ang loob dito.
Bago pa siya makaapuhap ng pwedeng sabihin ay inunahan na siya nito. "At kung sakaling binabalak mong tumakas ay huwag mo ng ituloy dahil hindi ka makakalabas ng base na ito nang hindi ko malalaman." He warned.
Angela nose flared with anger. Ano bang nais palabasin ng naturang sundalo? Marahas siyang huminga upang pahupain ang tila pagtaas ng dugo sa ulo. "You are impossible!" nasabi nalang niya.
Nagkibit-balikat ang binata. "Just don't forget to close the door when you leave. Thank you," ani Hans sa mababang tinig bago muling ibinalik ang atensyon sa binabasa.
Matagal na tinitigan tinitigan ang lalaki ngunit hindi na ito nag-abalang mag-angat ng mukha. Galit na tinalikuran ni Angela ang binata at lumabas. Pabagsak niyang isinara ang pinto. Keber kung labasin siya nito at sitahin. Then she will really fight back.
"I hate his guts!" Nanggigil na inirapan ang nilabasang silid as if makikita iyun ng binata. Somehow bumilib siya sa sarili for not answering back this time. Alam niyang hindi eepekto ang tantrums niya sa naturang sundalo. Iyun ang napagtanto ni Angela sa ilang beses nilang pagtatalo nito.
Ginagamitan siya ng reversed psychology ng lalaki. He's using a polite way of talking pero sinisigurado nitong may laman ang bawat salitang lumalabas mula rito. Na kung susumahin ay tila nais nitong iparamdam sa kanya na siya ang mali sa mga arguments nila.
But admit it, you found comfort in his arms and you want to feel it again! sutil na tukso ng konsensya. Kung saan nanggaling ang tinig na iyun sa loob-loob niya'y hindi niya alam.A sudden thought na biglang nagpatahip ng dibdib niya. Nakaramdam ng pamumula ang dalaga kahit mag-isa niya. "Damn if I want to!" Halos umusok ang ilong sa pagka-inis. Ano ang tingin nito sa sarili nito. "Hmp!" Muling nag-iwan ng katakot-takot na irap sa opisina ng binata.
Si Hans sa loob ay mariing napapikit sa malakas na pagsara ng pinto. Kung ibang tao ang gumawa nun, marahil ay nilabas at sinita niya. But it was Angela? Tumingala siya sa kisame at hinilot ang leeg upang kalmahin ang sarili.
Well, she has the right to get angry. Pero hindi niya maaring hayaang umalis ito o i-kompromiso ang kaligtasan nito.Positive ang report ng kasama na may kahina-hinalang lalaking nakikitang pabalik-balik sa paligid ng kampo. Hindi pa sigurado kung ano ang pakay nito at kung may kinalaman ba ang dalagang Martinez dito. At hindi niya bibigyan ng pagkakataong makakita ang mga kalaban niya ng maibabala laban sa kanya.
So she can get mad and hate him to her heart content pero hindi niya ito hahayaang makalabas ng base. Not when he can't keep an eye on her. Kailangan niyang matapos ang report sa lalong madaling panahon.
Samantala, dumiretso si Angela sa labas ng building pagka-galing sa opisina ni Hans. Kailangan niyang kalmahin ang sarili. Nakatulong sa paggaan ng pakiramdam ang ang mabining simoy ng hangin sa labas. The scent of after rain is so refreshin especially the scent of wet earth. Naglakad-lakad siya sa paligid ng kampo. Sa kawalan ng magagawa ay inilibas niya ang cellphone.
Dennis' eatery. Kalakip ng text message ni Joaquin ay ang mismong address ng bahay ni Dennis. Kailangan niyang puntahan ang lugar sa lalong madaling panahon.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Kung sana'y sumunod sa usapan nila si Joaquin ay hindi siya magkakaroon ng ganitong problema dahil kahit papano'y may makakasama siya. And now she have to search for the place alone.
Habang tumatagal ay tila lalong nadadagdagan ang takot sa dibdib niya. Paano kung totoong lahat ang nasa huling mensaheng ipinadala ni Dennis sa kanya? Will she able to face the truth?
Naroon parin ang pamilyar na sakit at kirot na idinulot sa kanya nito. She felt totally betrayed. Pero mas nangingibabaw ang malaman ang katotoohanan. Till then she'll be able to look directly on her brothers eyes.
Ngayo'y problema pa niya kung paano siya makaka-alis. Kung bakit naisipan pa niyang magpaalam sa naturang sundalo. Now she felt weird. Pakiramdam niya ay maraming matang nakabantay sa kanya at isang maling kilos lang ay kakaladkarin siya pabalik sa opisina ng binata.
"Miss Angela...."
Nilingon niya ang tumawag at nakita ang isang unipormadong sundalo. Hindi sinasadyang mahagip ng mata si Second Lt. Monteblanco na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng bintana ng opisina nito at nakatanaw sa direksyon niya. Hindi tuloy napigilang umahon ang inis ng dalaga na hindi sinasadyang maibunton sa kaharap. "I am not going anywhere okay!" Singhal niya rito.
Halatang nagulat ito. "Iaabot ko lang sana ito." Sabay abot ng isang payong sa kanya.
Natigilan si Angela bago maya-maya'y biglang pinamulahan. Poor man! nasinghalan ito ng walang dahilan though agad ding nakabawi sa kabiglaan. "I-I'm sorry." Hinging paumanhin niya.
Walang tugon mula sa sundalo at pagka-tanggap niya ng inabot ay agad siyang tinalikuran. She felt bad for her action. She's becoming more and more short patient. Lihim siyang napaungol. Mababaliw siya sa lugar na yun. She couldn't even find one person to talk to.
Nang bumaling siya sa opisina ni Second Lt. Monteblanco'y wala na ito roon sa pagtataka niya.
Tumingala siya sa madilim na kalangitan, mula nang lumabas siya'y may manaka-nakang pag-ambon na siyang naramdaman pero dahil sa inis at sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayan iyun.
Muling ibinalik ang tingin sa kaninang kinatatayuan ni Lt. Monteblanco. How long had he been standing there? Was he watching her the whole time? Biglang na-conscious si Angela dahil sa naisip. Pero may isang bahagi ng puso niya ang tila natuwa lalo na sa thought nitong padalhan siya ng payong.
Nangingiting tinalunton ang daang papunta sa kung saan. Hindi niya inaasahang magugustuhan niya ang lugar. Well except sa wala nga siyang makausap ay aminado siyang nag-eenjoy siya sa paligid. Bago sa kanya ang mapalibutan ng greenish nature. It relaxed her a bit. Kinakalma ng tahimik na kapaligiran ang anumang nagpapagulo sa utak niya sa matagal na panahon.
Marahang nilaro ng palad ang mga nadadaanang halaman. Pinag-isipan niya kung paano niya mahahanap ang address ni Dennis. Kapag medyo humupa na ang naging tensyon nila ng binatang sundalo ay pupuslit siya sandali sa labas ng base. Dahil sa pagka-hulog sa malalim na pag-iisip ay hindi tuloy niya namalayang nakalayo na siya.
Ang huling kita niya sa sundalo ay nang sabihan siyang nakalimutan niya ang oras ng pananghalian. At kung hindi siya nagkakamali'y may kulang trenta minuto na ang nakakalipas.
Hindi siya nakakaramdam ng gutom kaya muli siyang naglakad-lakad nang tumawag si Joaquin. Hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi nito dahil mahina ang signal hanggang sa biglang naputol ang pag-uusap nila. Sinubukan niyang mag-return call ngunit wala siyang signal.
Nagulat pa si Angela nang may umagaw mula sa kamay sa nakataas niyang cellphone.
Nasilayan niya ang galit at madilim na mukha ni Lt. Monteblanco. Naniningkit ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya.
"What do you think you are doing?" pilit niyang pinakalma ang boses. "Give me back my phone!" she demanded.
Ngunit tila hindi natinag ang binata. "Hindi ba at sinabi kong hindi ka pwedeng umalis! Bakit ba napaka-tigas ng ulo mo."
Nagsalubong ang kilay ni Angela sa akusasyon nito. "A-Ano bang pinagsasabi mo?" she tried to take back her phone, pero inilayo lang iyun ng lalaki. "Hindi naman ako umalis." Gustong niyang panginigan sa pagiging hostile ng lalaki towards her.
"You are already outside the headquarters at huwag kang mag-maang-maangan na hindi mo iyun alam dahil wala ng sundalong nasa paligid."
Natigilang sandaling luminga siya sa paligid. Tama ito, maliban sa nagtatayugang mga puno ng niyog ay wala ng ibang tao kundi silang dalawa lang. Kaya pala bahagyang gumaan ang pakiramdam niya. "Hindi ko alam na prisoner pala ako sa lugar na to." sarkastikong sabi niya rito.
"If treating you like one will make you stay inside the headquarters, then yes Miss Martinez consider yourself a prisoner."
Naramdaman niya ang pag-init ng punong-tenga sa pagpigil ng inis na unti-unti na namang umaahon sa loob-loob. "You don't have the right to do so."
"I have all the rights, dahil nasa ilalim ka ng pangangala ko. Wag mong hintaying isa-isahin kong sabihin sayo kung anong mga rights meron ako sa lugar na ito, Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay susunod ka sa mga sinasabi ko."
Naikuyon ni Angela ang kamao, nanggigil siya rito pero wala siyang maapuhap sabihin. She felt her heart tightened. Buong buhay niya'y hindi niya naranasang ma-overpower ng sinuman. Not even her family, sa tuwina'y nakukuha niya ang simpatya ninuman. But not with this man. Tila balewala ang pagiging Angela Martinez sa harap ng sundalo.
And she hated the feeling. Bago pa siya sumabog ay galit na nilampasan ito at bumalik sa pinanggalingan.
She doesn't want to start another batch of argument with him dahil alam niyang hindi siya mananalo rito.
Si Hans ay sandaling kinalma ang sariling sinundan ang dalagang Martinez. Nang makitang pumasok na ito sa building ay dumiretso siya sa opisina kung saan naroong si Xander at ang dalawang bisita nilang si Fritz at Wesley.