Angela IV: A sudden outburst!

3166 Words
"He's trying to ruin your trip, come on Angela its not as if you cannot handle a man like him." May himig pagtataka sa tinig ng nasa kabilang linya. Sandaling hindi nakasagot si Angela sa sinabi ni Clare na agad niyang tinawagan upang mailabas ang sama ng loob nang makabalik siya sa kwarto, pagkatapos ng mainit na engkwentro sa partikular na sundalo. Hindi na naisip na marahil ay naiistorbo niya ito sa trabaho. "You see he enjoyed teasing you." Pagpapatuloy nito. "Hmm, now I wonder how he looks like." She giggled on the other line. "You are not helping!" Angela complained. "Come on..."pagpipilit nito. "Bukod sa pagiging sundalo, anong pisikal na katangian niya ang nagpapagulo sayo?" "Nagpapagulo?" Tumaas ang boses niya. "Excuse me, Clare!" Angela made a sound of complain.  Muli itong tumawa sa kabilang linya. "I'm really curious about this certain Lieutenant. Sa tingin ko'y gwapo at matikas ito." May halong kilig nang sabihin ni Clare ang mga kataga. "Well, he is tall and dark." She doesn't have to force herself to think about the soldier's physical attributes dahil kusa iyung lumilitaw sa isip.  "And?" lalong tila na-excite ang nasa kabilang linya. "And what? Alam mo Clare tumawag ako sayo para sabihin ang hinaing ko, and here you are asking all the nonsense." Hindi niya napigilang ang pag-ikot ng mata. "Because it is not so you Angel. Hindi ka nagpapaapekto sa kahit na sinong lalaki. Unless..." She trailed her word. "Unless what?" pabalibag siyang tumayo mula sa sariling kama at naglakad papunta sa binata. Nangalumbaba siya. Hindi niya gusto ang pinatutunguhan ng usapan nila. "Unless apektado ka sa presensya niya." Is she? Angela winced. Never! sagot ng sariling isip. "Excuse me?" she exclaimed the word for a hundred times now since they started talking. "It was just a plain misunderstanding. Bakit, wala ba akong karapatan magkamali? Besides, he could have told me na siya pala ang taong hinahanap ko. For sure, he did it on purpose!" "Then just let it go kung ganun, why all the fuss...." Natigilan siya hindi sa sinabi ng nasa kabilang linya. Kundi sa tanawing bumungad sa harapan. Mula kasi sa kabilang panig ng kagubatan ay iniluwa niyun ang pinag-uusapang lalaki, sa tabi nito'y si Lt. Amigable at ang dalawa pang lalaki na kausap ng mga ito kanina. Kaswal na nagku-kwentuhan ang apat habang naglalakad. Bakas ang tuwa sa mukha ng una na nagawa pang sikuhin ang katabi hanggang tenga ang ngiti. A simple gesture ng binata na bahagyang ikinalambot ng puso ni Angela. Nakasuot ang dalawang sundalo ng camouflague pants sa baba at halos ganuon ding kulay na t-shirt tulad nang una niyang makita si Lt. Monteblanco. Mga sibilyan din ba ang dalawang kasama nito? Pero may binanggit si Captain Panlilio kanina. Philippine Air Force at Philippine Navy. Are they on the same team? Pero bakit naka-sibilyan ang dalawa? At infairness sa mga ito, they were all good-looking. Aware ba ang mga lalaking ito sa mga ka-itsurahan ng bawat isa. Good body composition and posture. In those threads that mark them out as a fighter, a protector, a defender. They were men you prayed would be at your side when the fighting begins, who would have your back, who would fight for you. Ang isa'y medyo may kaputian at maganda ang bukas ng mukha na halatang medyo may pagka-happy go lucky. Samantalang ang isa ay kaparehong moreno nina Lt. Amigable at Lt. Monteblanco, with a wavy hair and portraying a strict and versatile personality. Muli niyang ibinalik ang atensyon kay Lt. Monteblanco. Kung susuriin ay parang hindi ito sundalo sa nasilayan habang nakikipag-usap sa mga kasama. His face lit up when he smiles. She took a deep breath to steady herself. Bigla kasing nabalot ng warmth ang puso niya sa nasilayan. At nahalinhan iyon ng kakaibang haplos ng damdamin. Napansin na niya iyun kanina kung hindi lang siya naunahan ng pagka-asar dito. Hindi mo aakalaing ito ang naatasang mangalaga sa buong lugar. Come to think of it, hindi ba't masyado pa itong bata para sa katungkulang iyun. He must be very good then. Hindi nga ba at sinabi niyang kaya ka niyang protektahan mag-isa. Ni hindi nga daw niya hahayaang masaktan ni dulo ng buhok mo. Naramdaman niya ang pagtaas ng balahibo sa batok. Naalala pa niya ang bahagyang pagtama ng mainit na hininga ng lalaki sa kanya as he spoke those words. And the way he looked at her? Ang mga mata nitong tila nangungusap at hinihimay ang buong pagkatao niya. Oh! Halos ganoon din siya tignan ng mga lalaking nais makapasok sa buhay niya at talaga namang naiirita siya. But for Lt. Monteblanco? It felt different. Surely, she hated him at most time pero hind niya mapigilan ang sariling hindi mapatitig dito whenever they encountered each other. The way they looked at her is the same but not the effect.  Ang kay Lt. Monteblanco ay iba ang epekto sa kanya. It caused her mind to get numb. She wasn't be able to find the right words to say. Para siyang kinakabahan na hindi niya mawari. Tumataas ang pulse rate niya at nagkakaroon ng adrenaline rush. Dahilan upang hindi niya makontrol ang lumalabas sa sariling bibig. "Hello! Angela, are you still there?" untag ng nasa kabilang linya sa pananahimik niya. "Just take it lightly, remember nasa teritoryo ka parin nila so you better behave. Napabuntong-hininga siya. Ano pa nga ba. Binanggit na rin niya rin dito ang tungkol sa pagka-delay ng pag-punta niya sa tagong-bato. "Then take the opportunity para mapuntahan mo na ang address. Wait, na-contact emo na ba si Joaquin?"she asked. "He messaged me, ang sabi niya'y ipadadala niya ang location any time of the day, pero hanggang ngayo'y wala parin akong natatanggap.Pwede mo bang i-follow up? I'm kinda having a problem with signal here mabuti na nga lang at natawagan kita ngayon." Pakiusap niya rito. "Allright, no worries. I will." Pagkatapos makapag-paalam ay muling ibinalik ni Angela ang atensyon sa apat na lalaki at lihim na minasdan ang mga ito.  Focusing  her eyes on one specific soldier. Ang matuwid nitong tayo na naghuhumiyaw na ito ang in-charge sa buong lugar. Ang bawat pagkibot ng labi nito habang may sinasabi sa tatlong kasamahan. Wala sa sariling naipilig niya ang sariling ulo. Pinagtatakhan ang atensyong inuukol niya sa naturang lalaki.  And then he accidentally looked at her direction. Napahinto ito sa pagsasalita at nagsalubong ang kilay sa pagkakakita kay Angela.  Saba-sabay ding tumingin ang tatlo pang lalaking kasama nito sa direksyon. Nagtataka marahil sa biglang paghinto ni Second Lt. Monteblanco sa sinasabi nito.  Angela flushed and tried to hide her face. Sumimangot at agad tumuwid mula sa pagkakadungaw sa bintana. Nag-iwan ng nakakamatay na pag-irap saka tinalikuran ang direksyon ng apat at nagtungo sa sariling kama. She have to do it upang pagtakpan ang pagkapahiya sa pagkaka-huli sa kanyang nakatingin sa mga ito.  Samantala, napalitan ng pagtataka ang reaksyon ni Hans. Did he just saw her stealing glances at him? Hindi niya gustong mag-assume pero may katuwaan sa damdamin sa kaisipang iyun.  "What a reaction?" amused na komento ni Wesley. "And I thought alam mo kung paano kunin ang loob ng isang babae? Mukhang hindi effective kay Miss Martinez ang lupit mo sa babae." Siniko ito ng katabing si Fritz dahil sa biglang pagdilim ng mukha ni Hans. "I think you are being hard on her." "Hard? Saang banda Fritz. Hindi ko siya pwedeng tratuhing iba dahil sa status niya sa buhay." Depensa ni Hans. "Hindi ko ito-tolerate ang kagaspangan niya ng ugali dahil lang sa kapatid siya ng kaibigan ko." "Pero tandaan mong baka maging iba ang maging impresyon niya sayo." Paalala ni Xander.  "Kailangan ko bang pagandahin ang tingin niya sa akin? Ang responsibilidad ko lang ay siguraduhing ligtas siya. At bakit ba natin pinag-uusapan si Miss Martinez?." Sumeryoso ang mukha ni Hans.  Nagkatinginan ang tatlo pero wala ni isang nag-react. Kapag sumeryoso na ng ganoon ang binata ay nanahimik na ang lahar.  Si Hans ay muling binigyan ng lihim na sulyap ang bintanang kinaroroonan ni Angela kanina bago muling nagpatuloy sa sinasabi sa tatlo.  ***** "Alam kong hindi tamang hilingin ito sayo pero bilang kaibigan, let me ask you. Just look into it Hans." Hindi nakasagot si Hans sa tinuran ng kaibigang si Aaron. Finally, na-contact niya rin ito. Maaari niyang idahilan ang tungkulin sa nais ni Aaron, lalo at totoong busy siya sa mga susunod na araw dahil inihahanda niya ang turn-over sa pagdating ng bagong magiging heneral ng lugar. Pero kaya nga ba niyang tanggihan ito. "Sa pangkat mo lang pwede kong ipagkatiwala ang kaligtasan ng kapatid ko. We're all worried. Si Andrew ay nais ng manguha ng private detective ganoon din si Anthony, but I dont want to alarm my parents," pagpapatuloy ng kausap sa kabilang linya. "Since when did this start?" Nagsalubong ang kilay ni Hans. Na-curious na rin sa ipinapakiusap ni Aaron. Sandaling natigilan ang nasa kabilang linya. "We all thought its just a simple stalking kaya ipinagsawalang bahala lang namin at hinayaang magpunta diyan si Angela. Just now we found out something accidentally na siyang dahilan kung bakit ginusto niyang pumunta diyan." At sa maikling kwento ay nasabi ni Aaron ang dahilan ng pagka-alarma ng magkakapatid. Sandaling hindi nakasagot si Hans at napaisip. Hindi niya personal na kilala si Angela dahil hindi pa naman sila nakakapag-usap maliban nitong napadpad ang babae sa Quezon. But he found her weird. She looked distured at some point. "I know you Hans pare, binubuo palang ng mga kalaban ang plano nila'y parating kana. That's how good you are in sensing danger. And we are so clueless kung ano ang nangyayari dahil naglilihim si Angela sa amin. And somehow ay panatag akong nagpunta siya diyan.. She can find the answer she was looking for at the same time ay malalaman namin kung meron nga ba o imahinasyon lang namin na may banta sa kaligtasan niya." Matagal na hindi nakasagot ang binata. Pinag-iisipang mabuti kung kaya ba niyang tanggihan ang kaibigan. Kung hindi'y handa na ba siyang ma-involve sa isang tulad ni Angela Martinez. Sa bandang huli ay napahinuhod rin siya ni Aaron. "I can't promise anything, but I will try." "That's more than I can ask for, Hans. Believe me. Panatag akong nagpunta diyan si Angela dahil alam kong nariyan ka." Naglabas ng malalim ng buntong-hininga si Hans. "Don't pressure me Aaron. At hindi mangyayari ang iniisip mo." Marahang natawa ang nasa kabilang linya. "I still don't mind you courting my sister, pare. But make sure na hindi siya iiyak at masasaktan. Apat kaming kapatid niyang lalaki plus my father." May bahid ng warning ang tinig ni Aaron sa sinabi. "And now I thought humihingi ka ng pabor?" He laughed again. " I do, and ginagawan rin kita ng pabor. Compare sa ibang lalaking umaaligid kay Angela, kahit papano ay alam ko ang kapasidad mo. But once you decided ay hihinto ang mga pambababae mo." Malakas na tumawa si Hans sa loob ng opisina. "Pambabae? huwag mo akong itulad sayo Aaron." "Really? You could be single now pero hindi ako naniniwalang walang babae sa buhay mo." "And yet you still want me for your sister?" Panunubok niya rito at tumaas ang sulok ng labi. "A soldier will always be a soldier, Monteblanco. If it weren't the incident years ago at hindi kita kilala ay hindi ko ipagkakatiwala sayo ang kapatid ko. Angela is my only sister. Hindi lang ako basta magagalit sayo kapag nasaktan siya. I am warning you as early as now. No monkey business." "I'm reminding you again that you are  asking  a favor." Puno ng pagka-aliw sa tinig ni Hans. Ano kayang sasabihin ng binata kapag nalaman niyo ang ingkwentro nila ng kapatid nito. "Allright. You have a point there." Sumeryoso ang nasa kabilang linya. "Please look after her please." "I just wan to let you know na hindi ako pabor sa pagpunta ng kapatid mo dito sa Quezon. Pero dahil nasa pangngalaga ko siya, I'll consider it as my job to  look after her. And so with Ms. Sebastiano." Hindi nakaimik ang nasa kabilang linya. Na siyang sinamantala ni Hans upang magpaalam at isinubsob ang mga sarili sa reports na kailangan niyang i-file para dalhin sa Camp Aguinaldo. Sa muling pag-angat ng mukha ay nagulat siya ng makitang madilim na sa labas. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Dumiretso sa labas ng gusali upang lumanghap ng sariwang hangin. Nagsalubong ang kilay ng makita ang isang pigura sa isang sulok ng headquarters. "Ano ang ginagawa mo sa bahaging ito ng ganitong oras?" Muntik nang mabitawan ni Angela ang nakataas na cellphone sa sobrang gulat sabay inis na nilingon ang nagsalita. "And don't you know that it's impolite to stand on someone else's grave?" sabay tingin ni Lt. Monteblanco sa kinatutuntungan. Halos tumaas ang lahat ng buhok niya sa katawan kasabay ng panlalaki ng mata nang marealize ang sinabi nito at dali-daling bumaba sa kinatutuntungan. Muntik pa siyang masubsb kung hindi naging maagap ang binata sa pagsalo sa kanya. "Are you okay?"may bahid ng pag-aalala sa tinig nito. Hindi niya ito pinasin at muling nilingon ang medyo may kataasanng burol na kaninang kinatutungtungan. Akala niya'y mataas na lupa lang yun kaya siya tumuntong at nagbakasakaling makasagap ng signal. Hindi niya napansin dahil bahagya nalang ang ilaw na umaabot mula sa poste sa di kalayuan. But to think na kanina pa siya nakatayo doo'y nagpawindang sa kanya. "I-is it really a grave?" napahawak siya ng mahigpit sa matipunong braso nito. Kulang nalang ay yumakap siya rito dahil sa takot na biglang bumalot sa kanya, idagdag pa ang malamig na panggabing hangin. He nodded sadly. "And he must be really sad now. Tsk. Poor thing." Umiling-iling ito. "Walang nagawa ang katapangan niya noong nabubuhay pa siya ngayong tinatapak-tapakan lang ang himlayan niya." Angela gasped. Lalong nakaramdam ng takot at halos mag-sumiksik na siya sa binata. "I'm sorry." "Alam mo bang gustong-gusto niya yung mga babaeng natatakot." Nagtangka itong ilayo siya. "No, please." She grabbed his arms. "Take me out of here?" she begged. Hindi siya particular na takot sa dilim pero ang kaalamang may kaluluwang maaaring nagalit sa kanya dahil sa paglapastangan niya sa himlayan nito'y ibang usapan. Baka dalawin siya nito sa pagtulog. At kung ano-anong weird thoughts pa ang pumasok sa isip na lalong nagbigay ng takot sa dalaga. Napaungol siya. Maya-maya'y may kumaluskos sa likuran sa may madamong bahagi. Dahil sa pinaghalong gulat at takot ay tuluyan siyang napayakap sa binata, burying her face to his chest. "Hmmm, mommy!" Parang batang usal niya. "Hey, are you okay?" tanong ni Hans ng maramdam ang bahagyang panginging ng dalaga. Hindi sumagot si Angela, at bahagyang tumahan ng maramdaman ang kamay ng binata sa magkabilang-balikat. At sa kabila ng takot na nararamdaman ay hindi nakaligtas sa ilong ang swabeng amoy ng binatang sundalo. Pinaghalong cologne, fabric conditioner at natural na amoy nito. She could rest in his arms forever. She shut her eyes and inhaled and exhale his scent. And through that ay bahagya siyang kumalma. "Are you really that scared?' may bahid ng pag-aalala ang tinig nito nang magsalita. "I'm sorry, I'm just kidding." Nagmulat si Angela ng mata at bahagyang tumingala rito. He looked sorry. Matagal niyang tinitigan ang mukha nito. Pilit itinatago ang amusement sa gwapong mukha nito. Naramdaman niya ang unti-unting pag-akyat ng dugo sa ulo niya. At alam na niya ang kasunod niyun. He made fun of her at siya namang si tanga ay naniwala. She felt humiliated and embarrassed at the same time pero walang salitang nais lumabas sa lalamunan. Nakagat niya ang pang ibabang labi kasabay ng pag-init ng sulok ng mata at ang tila pagsabog ng dibdib sa pag-alapas ng galit "Are you happy now?" kontrolado ang boses niya pero kuyom ng mahigpit ang kamao. Tangka niyang tatalikuran ito ng pigilan siya. Hinawakan siya ng lalaki sa braso.  "Don't you dare touch me!" Galit niyang piksi sa kamay nito at galit na hinarap ito. Tumingala upang ibalik ang luhang nais kumawala sa mga mata. She had never been humiliated like this before. She felt mixed emotion for him. At lalong naiinis siya sa sarili niya dahil kahit pinagmumukha siyang tanga ng binata'y nakaramdam siya ng warmth sa mga bisig nito. And she hated herself even more for that. "Tell me? What have I done wrong para pagmukhain mo akong tanga? Did you find it funny huh." Angela's nose flared in anger. Marahas siyang humugot ng paghininga at nag-iwas ng mukha. Pilit itinago ang luhang nakaamba sa mga mata dahil sa tinitimping galit. "Were you enjoying na pinapahiya mo ko? Hindi pa ba sapat na na-stuck ako sa lugar na ito when I just wanted to know the truth. Oo alam ko hindi ako mahalagang tao sayo pero hindi mo kailangang iparamdam sakin yun all the time because...." Sandali siyang huminto. "because you don't how hurt I was." Itinuro niya ang sariling dibdib. "And you don't have any idea kung anong pinagdadaanan ko, so kung ginagawa mo to dahil akala mo puro sakit lang ng ulo ang alam kong gawin, at gusto mong ipamukha na hindi mo ako gusto, na mali akong hindi ko na-recognize na mataas ang posisyon mo,then congratulation because you won. Oo na! mukha na akong tanga masaya ka na!" she tried to catch her breath. "Gosh I just fell inlove bakit kailangan maranasan ko lahat ng ito." she almost murmured at muling  tumingala sa kalangitan habang habol-habol ang hininga. Tuluyang kumawala ang pinipigilang luha. Mahabang katahimikan, tanging mahining pagsinghot ng dalaga ang maririnig. Nang bahagyang kumalmay bumaling siya rito. He was staring at her intently. Nabasa niya ang bahagyang pagkalito sa gwapong mukha ng sundalo. Ang mga mata'y nanatiling nakatuon sa mukha niya as if making sure na totoo ba ang nakikita nito. Ilang sandali pa'y natagpuan niya ang sarili sa mga bisig ng binata. "Im sorry. Hindi ko alam." Tuluyang huminto ang paghikbi ng dalaga dahil sa gulat. Napalitan ng pagbilis ng t***k ng puso. z Hindi niya alam kung bakit ginawa ng binata iyun, pero bakit gusto niya ang ginagawang paghaplos ng kamay nito sa likod niya. Ang init na nagmumula sa katawan nito na kahit pareho silang nakasuot ng kanya-kanyang damit ay damang-dama niya. Ilang beses siyang napalunok at napakurap bago dahan-dagang tumaas ang dalawang kamay at gumanti ng yakap. Hinayaang isubsob ang mukha sa dibdib nito at sinamyo ang natural na lalaking amoy ng binata. Somehow her heart slowly relaxed.... ***** "Boss alanganin. Mukhang kailangan ng tulong ng kapatid ninyo." Sabi ng lalaki sa kabilang linya na nagtatago sa dilim habang nakamasid sa di kalayuan ng headquarters. Pang-ilang araw na niya sa pag-aabang. Ang instruction sa kanya'y maghintay lang siya at positibong lalabas ang pakay niya mag-isa. "Ipagpatuloy mo lang ang pagmamanman mo sa ngayon. Basta huwag mong kalilimutan ang mga bilin ko." Pagkatapos makipag-usap ay ibinaba ng lalaki ang telepono at ipinagpatuloy nga ang pagmamasid. Mahaba-habang gabi na naman ang bububuin niya.Naiinip na rin ang mga kasama niya pero hindi sila maaring magpadalos-dalos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD