Angela III: Annoyed

3704 Words
"Wala siya sa listahan ng ipinisa kaya nagulat rin ako nang sunduin ko siya." Pagbibigay-alam ni Xander at matamang pinagmasdan ang kaibigang si Hans na nanatiling nakatingala sa kalangitan na tila sa pamamagitan niyun ay titila ang ulan. "Inaasahan ko ang isa pang VIP maliban kay Ms. Sebastiano pero siya ang pinaka-huling taong nasa isip ko." "Anong balak mo ngayon? Nasabi mo naba sa kanya ang tungkol sa pagkansela ng paghatid sa kanya?" Umiling ang binata. "Ikaw ang hinahanap niya." Sumilay ang ngiti para sa malapit na kaibigan at ka-trabaho. They've been together since training days in Baguio. Ilang engkwentro at sagupa na din ang naranasan nilang dalawa being an active members of Black Eagle. And luckily ay nairaraos naman nila ang mga iyun. Xander knew about his long-time crush with the model. But Hans claimed that he got over it a long time ago. Naniniwalang para lang sa teenager ang feelings na yun. Maybe eight-ten years ago ay maaari pa. But definitely not now. Though nakakabalita parin siya ng tungkol rito mula sa panganay na kapatid ng dalaga na si Aaron. He knew the eldest of the Martinez siblings from one of the event sa kompanya ng ina way back. Nang mga panahong nakilala niya ang binata ay hati pa ang focus niya kung alin ang nais. Pagsusundalo ba o tuluyang pamahalaan ang printing business ng ina na maganda pa ang takbo noon. Sinubukan niya ang huli ngunit isang project lang ay umayaw na siya. There, he met Aaron Martinez na nag-uumpisa pa lang din sa negosyo kasama ang ilang mga kaibigan nito. Nagkataong pareho sila ng hobby kaya nagka-sundo at doon nag-umpisa ang pagiging malapit na magka-ibigan. Sa tuwina'y laging itinutukso ng binata ang nakababatang kapatid dahil sa isang pangyayari ilang taon na ang nakakaraan. Aaron found it very romantic kaya lalong ibinuyo si Angela sa kanya. But he never had the chance to meet her personally dahil busy si Angela sa pag-aaral at pagmomodelo. Bukod sa mas pinili na nga rin niya ang pagfu-fulltime na sundalo at na-destino sa Quezon. Idagdag pa ang special mission na natatanggap bilang myembro ng Black Eagles.  Naging common jokes na sa tuwina'y ngiti lang ang isinusukli ni Hans. Kaya marahil tumino sa isip ni Aaron ang hinala sa tuwing aksidente siyang nahuhuling tumitingin sa mga ads ni Angela na nakapaskil sa opisina ng AMBER. Naniniwala ito na mas malalim pa sa pagka-gusto ang pagtingin niya sa kapatid nito. He likes her yes, sino nga bang hindi? Dala nang paglipas ng panahon ay unti-unti rin niyang na-get over ang kung anong damdamin para sa dalagang Martinez. Lalo pa nang makarating sa binata kung paano ito magpapalit-palit ng relasyon. Not that he believed the rumor. Hindi papayagan ni Aaron na umakto ang kapatid ng ganun. But who knows, tanging si Angela lang ang nakakaalam ng totoo sa mga issues na nakadikit rito. Well, he can't blame her for being so famous with men. With that kind of face na kahit sino'y handang makipag-p*****n. Kanina, nang matitigan ng malapitan ang magandang mukha ni Angela ay kinailangan niyang kontrolin ang sarili. Those sexy lips na tila nang-aakit. Her captivating voice na alam niyang isang dahilan kung bakit hindi ito mahindian ng mga tao sa paligid. God, she sounded like an angel singing. Tila hindi makabasag pinggan. He could clearly imagined her whispering sweet moans while making love with her. Those almonds eyes that had the power to seize your sanity. A combination of innocence and charm. Ang resulta'y naaakit ang kahit sino. Well except him. Wala na ang dating charm nito sa kanya. He outgrew that feelings a long time ago. Though may pagkakataong napapatitig parin siya sa magandang mukha ng dalaga sa mga ads, pero hindi tulad ng mga lalaking kaya nitong paikutin sa mga kamay nito. Wala siyang naisip na counter-attack kundi ang magbitaw ng mabigat na salita. He offered her help but she refused. At nagawa pa siyang sungitan gayong nas teritoryo niya ito. He doesn't want her to act that way. If the Martinez household didn't managed to tame her, well ibahin siya nito. "Chance mo na ito para makilala siya ng personal. Bukod pa sa ikaw naman talaga ang dapat niyang kausapin." Basag ni Xander sa pananahimik ng kasamahan. Nagkibit-balikat ang binata. "Let her think and relax. Mukhang nagkakaroon siya ng culture shock." He joked. Sabay silang natawa sa term na ginamit niya. "Sanay siya sa pagtratong prinsesa. Siguradong mahihirapan siya rito." Komento ni Xander. "Yan marahil ang dahilan kung bakit siya pinayagang pumunta rito." Hindi na isinatinig ni Hans na iyun din ang naiisip niyang dahilan kung bakit ang mala-prinsesang bunso ng mga Martinez na kulang nalang ay ikulong sa kwarto sa sobrang overprotective ng magulang at mga kapatid na lalaki ay pinayagang pumunta sa ganitong klaseng lugar. Hindi rin lingid sa kaalaman ang recent na nangyayari rito. Aksidenteng nabanggit ni Aaron ang tungkol sa dalaga nang bisitahin niya ito bago siya magbalik sa Quezon nang mag-report siya sa Camp Aguinaldo. Angela must be facing a quarter-life crisis kaya ito parang nagrerebelde. Ngunit hindi parin niya maintindihan kung bakit pinapunta ng kaibigan ang kapatid nito without informing him in advance. Kahit pa sabihin  na nitong nakaraan ay walang napapabalitang atake mula sa mga rebelde o alinmang kaguluhan sa lugar, the fact na pinayagan itong walang personal na bodyguard ay nakapagtataka. Oo at ibinilng VIP ito, pero hindi magagarantiya ang kaligtasan ng dalaga. Wala naman siyang makuhang sagot sa kaibigan dahil nasa meeting ito nang tawagan niya kahapon pagkatapos ng unang engkwentro nila ni Angela. At sa matagal na panahon ay kahapon lang siya ulit nakaramdam ng takot. May hinahabol silang mga kawatan at sa direksyon ni Angela ang mga ito nagtungo. She could've put herself in danger. "Gusto mo bang bilinan ko ang lahat na tratuhin siya ng maayos." Agaw ni Xander sa muling pagkahulog sa malalim na pag-iisip ni Hans, nasa tinig ang panunukso. He really looked disturbed. Nagsalubong ang kilay ni Hans. Alam niyang isang maling sagot ay uumpisahan na naman siyang tuksuhin ng kaibigan. Maya-maya'y biglang napangiti sa ideyang pumasok sa isip. "Mukhang pinaglalaruan ka ng tadhana." Komento nito. Dumako ang nagtatanong na mata ni Hans rito. Ilang sandali pa'y sabay silang napabulalas ng tawa. "Alam ba niyang kilala mo siya?" maya-maya'y tanong nito ulit. Umiling si Hans. " Sa tingin mo nagkataon lang ba to?" Nagkibit-balikat si Hans. "Hayaan mong salubungin ko ang tadhana at ibalik ang biro nito." At napangiti nang bumalik sa isip ang itsura ni Angela kaninang naiinis ito. She amused him though. Hindi niya ipagkakailang natutuwa siyang makitang namumula ang mukha nito sa pagkainis dahil hindi siya nito magawang paikutin.  ***** He's a soldier! A real soldier in uniform! Hindi trainee at lalong hindi isang pipitsuging staff. Nakagat nalang ni Angela ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang apat na matatangkad na lalaking masayang nag-uusap habang pinapanood ang grupo ng mga sundalo. Sa tingin niya'y mga bagong batch ng mga sundalo ang nag-exercise sa saliw ng kantang 'eye of the tiger'. May palagay siyang hindi nalalayo sa edad niya ang mga ito base sa mga itsura at pangangatawan. Sa aura palang ay malayong-malayo na sa mga sundalong dinatnan niya sa lugar. Fresh at maganda pa ang bukas ng mukha na tila hindi alintana na sa linyang piniling tahakin ay may panganib na nakaamba. Oh well, kaya nga sila tinagurian na magigiting. Komento ng isipan. "Tignan mo nga naman, nagsama-sama ang mga malalakas sa itaas." Nagulat pa si Angela sa nagsalitang si Captain Panlilio na hindi niya namalayang nasa tabi na niya. Muntik pa siyang mapangiwi dahil sa manipis na damong pinaglalaruan sa bibig nito. Sinundan niya ang mata nitong nakatingin sa direksyon ng apat na lalaking kinabibilangan ni Lt. Amigable at ng estranghero na sinasabing si Lt. Monteblanco. "Philippine Air Force, Philippine Navy at Philippine Army, hmmm...." Parang candy sa dilang tila ninamnam nito ang mga salita habang may kakaibang kislap sa mata. Kung hindi sa normal na ekspresyon ng sundalo'y iisipin ni Angela na may kakaiba sa komento nito plus the slight sarcasm on his tone. But then, they are on the same team! It must be a rare scene for him na makitang nagsama-sama ang emoleyado mula sa ibat- ibang branch ng AFP. Hindi niya kailangang pag-isipan ng masama ang naturang sundalo. Kunot ang noong ibinalik niya ang tingin sa apat na lalaki. Kasabay nang paghapyo ng malakas na hangin ay siyang aksidenteng pagdako ng mata ng estranghero sa direksyon nila. Biglang napaigtad ang dalaga nang dumako ang paningin ni Lt. Monteblanco sa kanya. Sandaling naghinang ang mga mata nila. Wala ang inaasahang pagmamalaki roon at sa halip ay nagsalubong ang kilay nito at biglang nagdilim ang mukha. Maya-maya, nakita niya nang magpaalam ito at si Lt. Amigable sa mga kausap at magkapanabay na naglakad palapit sa direksyon nila. Napansin niya ang kakaibang appeal ng dalawa habang naglalakad ang mga ito. They were both attractive in a different ways. Both tall, tan and muscular pero hanggang doon nalang nagtatapos ang pagkakapareho ng dalawang lalaki. Lt.Amigable's face is very sculptured, matigas na tila hinulma ng marahil  pinagdaanan nito sa buhay. Ala Van Damm noong kabataan nito with deep set of dangerous eyes. Samantalang ang katabi nito, kahit paano'y may tenderness na nakasungaw sa mga mata. Chocolate brown eyes na tila laging may nais sabihin na siyang una mong mapapasin sa gwapong bukas ng mukha nito. Na pinarisan pa ng malalantik na pilik-mata na isang dahilan kung bakit makailang beses siyang tila nawala sa sarili  kanina. Pinaglipat-lipat niya ang mata sa dalawang lalaking ngayo'y nasa harapan. Pagkuwa'y itinuon kay Lt Monteblanco. Sa kabila ng kabiglaan niya'y hindi maitatangging may kakaibang emosyong binubuhay ang binata sa kaibuturan niya. Lalo na sa tuwing titigan siya nito. She is starting to hate those expressive eyes of him. Kung bakit kahit ang simpleng pagkurap ng mata nitoy nagbibigay ng kakaibang dating dito. Somehow, she had to control herself not to stare at him. Naroon ang paghihinanayang na maaring pakinabangan lang ng lupa ang magandang obra ng Maykapal kung sakaling mapahamak ito dala ng trabaho. Oh! for goodness sake, Angel. Hindi iyan ang emosyong dapat mong maramdam para sa kanya. She reminded herself at lihim na napapailing. Inihanda ni Angela ang sarili sa isa pang round ng insultong maari nitong ibato sa kanya. Tatanggapin niya yun tutal totoong nagkamali siya sa pag-judge dito. The stranged soldier's eyes met hers. Angela had to held her breath and tried to look away. "Kapitan." Si Lt. Amigable sa katabi niyang si Captain Panlilio na hindi man lang nag-response bago bumaling ang lalaki sa kanya "Sa tingin ko'y nagkakilala na kayo ni Second Lieutenant Hans Joseph Monteblanco, Ms. Martinez. Anumang naisasaloob mo'y maari mong sabihin sa kanya. Siya ang taong itinalagang maghatid sayo sa Tagong-Bato." Second Lieutenant? May difference ba sa itinawag nito sa isang simpleng lieutenant lang? Angela swore nakita niyang bahagyang tumaas ang sulok ng labi ng tinutukoy. Muli siyang nag-iwas ng mukha upang supilin ang pagka-inis na muli na namang nararamdaman para rito. Pilit itinago ang pamumula ng pisngi nang muling maalala ang insidente kanina. Kaya pala mukhang nagalit ang lalaki nang ipagpilitan niyang si Lt. Amigable ang nais makausap. Somehow she felt ashamed by her action at hindi alam kung ano ang tamang iaakto. Will she say sorry first??? O magpanggap na parang hindi nangyari ang engkwentro nila kanina. Pero hindi bat ininsulto rin siya nito? Hindi ba pwedeng quits nalang sila. Bago pa siya makapagsalita'y nagpaalam na si Lt. Amigable at isinama si Captain Panlilio at may importanteng sasabihin ang una sa huli. Hindi tuloy niya napigilan ang madismaya. Atleast kung naroon ang dalawa ay maaring mabawasan ang awkwardness sa pagitan nila ng kaharap. "Disappointed ka dahil ako pala ang taong hinahanap mo?" She wanted to correct him na mali ang iniisip nito. But what for,  baka muli pang mapunta sa argumento ang pag-uusap nila. Angela tried to maintained her composure by raising her chin and meeting his eyes. Pero hindi niya kinaya kaya sa mga labi nalang siya tumingin. But then again his succulent pinkish lips distracted her. And she had to swallowed for a few times before she managed to speak. "S-so ikaw pala si Hans Monteblanco." Hans raised his eyebrow. "Second Lieutenant Hans Monteblanco ako sayo, Ms. Martinez." Matigas ang pagkakasabi nito pero nasa mata nito ang pagsungaw ng tila amusement. Napipi siya kasabay ng pangangapal ng pisngi.  Bahagyang naningkit ang mata at pilit kinontrol ang emosyong unti-unti na namang umaalpas sa kaloob-looban niya. At talagang literal na dinadagdagan pa nito ang pagpapahiya sa kanya. Angela cleared her throat and again tried to regained her composure for the second time and with a smile on her lips said "Oh! sorry for the informality." Polite niyang paghingi ng paumanhin pero may bahid na sarcasm ang tinig. Gusto niyang itanong kung bakit hindi ito agad nagpakilala kanina, di sana'y hindi na umabot sa ganoon ang hindi nila pagkaka-intindihan. But she decided not to. Ano ngayon kung hindi effective ang charm niya rito! Hindi naman niya ito makakasama ng matagal kaya titiisin nalang niya. Isinuklay niya ang kamay sa mahabang buhok and took a long deep breath. "Well, Second Lieutenant Monteblanco, kayo po ba ang maghahatid sa akin sa Tagong-bato?" she tried to widen her fake smile. Nagkibit-balikat ito sa panggigilalas niya bago dahan-dahang yumuko at inilapit ang mukha sa tenga niya "Gusto mong malaman ang totoo?" he whispered huskily. Angela gasped. Tila may kuryeteng dumaloy sa buong kalamnan niya nang maramdaman ang pagdapyo ng hininga nitong tumama sa punong tenga. Nagsitayuan ang balahibo niya sa batok. "Paano kung sabihin kong hindi lang basta ihatid ang responsibilidad ko sayo?" "A-Ano ang ibig mong sabihin." She stammered and swallowed hard again. Pilit inignora ang damdaming tila nagbabalik tulad ng naramdaman niya nang idantay nito ang likod ng palad sa kanyang pisngi. His eyes danced with amusement. At sa halip na sagutin siya'y sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi. Flashing a set of perfect ultra-white teeth. Muli siyang napasinghap. And this time ay hindi niya naitago. The smile made her almost forget how to breath. And oh! he had that cute dimple at the corner of his left cheeks. He couldn't be real. I mean him being a soldier, she told herself. At lihim na pinasadahan ang maganda nitong build, pabalik sa gwapong mukha nito. Angela wondered what could be inside his uniform knowing na halata ang malapad na build ng katawan nito. At ang sutil niyang isip ay hindi napigilang ma-imagine ito in a tight jeans, bakat na bakat si junior at half-naked habang tumutulo ang pawis while doing morning exercise. "You want to know?" agaw nitong muli sa atensyon ni Angela na muling napalunok. Bakas sa mukha ni Hans ang satisfaction sa reaksyong nakukuha nito sa dalaga. And why does he sounded oh so sexy. Parang lalaking bumubulong sa gitna ng kaluwalhatian nito. Lihim siyang napaungol. Gosh! Angela what is happening to you? Pilit ibinalik ang sarili sa katinuan. "A-are you making fun of me?" Halos hindi lumabas ang salita sa lalamunan. He shrugged sa pagkamangha ng dalaga. The man is literally something! Paano nito nagagawang i-caught off guard siya ng ganoon. "I-I don't have time for this. Kung ikaw ang maghahatid sa akin, well I probably don't have a choice. The sooner na maihatid mo ako ay hindi na kita makikita pa." Mataray na sabi niya rito. Nagpupuyos siya sa galit. Sa pang-iinis nito at sa abnormal na damdaming binubuhay nito. She hated the man but admiring his physical looks at the same time. "Sa tingin mo?" he taunted. Pumikit siya at nag-umpisang mag-bilang sa isip ng hanggang sampu . Huwag kang maasar Angela, kung hindi ay ikaw din lang ang magmumukhang stupid. Isipin mo nalang isa siyang matandang may mataas na katungkulan na kailangan mong i-respeto. At pilit ibinalik sa isip ang image na inaasahan niyang makikilala. Ngunit tila tuksong salitang lumilitaw sa balintataw ang mukha ng binata nang una niya itong makita. His chest is pounding in result of running at ang malamlam nitong mga mata na nagulat nang makita siya, mirroring her own reflection. Ang maaliwas at gwapo nitong mukha sa kasalukuyan na aminin man niya o hindi ay literal na maganda sa paningin. Causing her her heart to beat abnormally. Kung sa ibang pagkakataon niya ito nakilala at hindi nangyari ang mainit na argumento nila, marahil ay iba ang magiging impression niya rito. She had never met a man na sa tingin niya'y deserve sa salitang handsome. No he's more than handsome dagdag ng isip niya. Not even her brothers o ang mga Brazilian models na nakasama niya sa fashion shows before can compare to his classic looks. It must be his charisma then, sigaw ng isang bahagi ng isip. Sandali niyang hinayaang nakapikit ang mga mata and tried to calmed herself. Angela, breath. She reminded herself. Si Hans na nanatiling nakatunghay sa magandang mukha ng nakpapikit na dalaga ay naging seryoso. Namangha sa salit-salitang emosyon na gumuhuhit sa mukha nito. Nang bahagyang kumalma ay nagmulat si Angela at sinubukang salubungin ang mga titig ng kaharap. "Oh! yeah I remember sundalo ka pala, and sayo narin nanggaling na sibilyan ako, so bukod sa paghatid mo sakin, I should expect full security from your team." "Ah my team!" he repeated the word dramatically at tila ninamnam iyun sa dila. Nanatili itong nakatitig kay Angela bago muling sumagot. "Why would I need a team gayong kahit ako lang mag-isa'y kayang protektahan ka." Then he reached for her hair and gazed at her melancholy. "Hahayaan ko ba namang magasgasan ni dulo ng hibla ng buhok mo. Tsk. It would make me a very bad soldier." For a moment ay hindi nakatugon si Angela. Her heart suddenly spluttered hyperactively by those gaze. Dagli siyang nag-iwas ng mukha nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan. Nang oras na iyun ay tila nais niyang makulong sa mga bisig nito and kissed him. She felt the hot and warm feeling rushing inside her. "I-I am not affected!" she swallowed hard. Gusto niyang tapikin ang sariling noo sa salitang namutawi sa labi. Nasilip ni Angela ang kakaibang kislap sa mga mata na agad napalitan ng lungkot, na dagli ring nawala na tila malikmata lamang ng dalaga ang nakita. What is happening to her eyes? "I'm glad then," he smiled pero hindi iyun umabot sa mga mata ng lalaki. Nakaramdam ng pagkapahiya si Angela at pilit iwinaksi ang laman ng isip. Kung bakit kasi ipinagkakanulo siya ng sariling bibig. "Tungkol sa paghatid sayo'y ikinalulungkot kong ipaalam na kailangang ipagpaliban iyun. Dahil sa malakas na ulan kagabi'y nasira ang hanging bridge na siyang nag-iisang daan papunta sa Tagong-Bato. It'll take a few days to repair." "What!" hindi napigilang magtaas ng tinig ng dalaga. Nagtaas ito ng dalawang kamay at sumeryoso. "Huwag mong isiping ako ang dahilan ng pagka-delay ng pagpunta mo roon Miss Martinez. Nais ko lang ipaalam sayo na natural na nangyayari iyun dahil bigla nalang tumataas ang tubig sa ilog na nagdudugtong sa dalawang bundok sa tuwing umuulan." "Kung bakit hindi niyo aksyunan kung laging nagkakaganun. It can cause delay or worse ma-stranded ang taong nais dumaan doon." Nakahalukipkip na turan ni Angela. His face showed sign of boredomness sa tinutungo ng usapan nila. "Miss Martinez. Miss Martinez." Anito sa tonong tila nakikipag-usap sa batang makulit. "If you don't know meron tayong sinusunod na batas. Kung ako lang ang masusunod ay ako mismo ang nagpagawa ng aspaltong tulay. Lalo na kung nalaman ko ng mas maaga na ikaw pala ang kailangan naming ihatid. But as you can see Tagong-Bato is one of the protected areas in this province. Hindi kami maaaring gumawa ng hakbang na maaring makaapekto sa natural resources. Bukod doo'y inilagay ang hanging bridge na yun for the protection of people living there. Kaya hindi agad nakakapunta ang isang ordinryong tao without the government's approval or neither the tribe's leader." Mahabang litanya nito. "If I know that it'll cause delay for you, sanay nag-request ako sa gobyerno ng mas convenient ways to go there." Napahiya siya. "A-And what do you mean by that? And please don't talk to me as if nakikipag-usap ka sa bata. You are insulting me, did you know that." She accused. Akala aba nito'y hindi niya napapansing pinagkakatuwaan siya nito. "I'm sorry Miss Martinez, kung ganyan ang nagiging dating sayo. Hindi ko intensyong pasamain ang loob mo." He doesn't even sound sorry. Ang mga mata nito'y kumikislap sa kagalakan. Oh yes he should rejoice. Wala pang nanalo kahit kailanman man sa kanya when it comes to arguments. Not even her parent or her four brothers. May alam siyang mabisang technique para mapahinuhod ang mga ito. Pero mukhang hindi effective sa kaharap iyun. "Well, nagawa mo na. Kung masaya kana Lt. pwede naba akong umalis tutal wala naman akong magagawa sa sitwasyon? Kausapin mo nalang ako kapag kinakailangan. If you'll excuse me!" Aniyang hindi tumitingin sa mata ng lalaki bago ito talikuran at dali-daling tinungo ang pintuan papasok sa loob. Naiwang natitigilan si Hans. Totoo ba ang nakita niyang pagdaramdam sa mata ng dalaga bago siya talikuran? Come on! She's good with that, paalala ni Hans sa sarili. Nabanggit ni Aaron kung paanong kayang ipahinuhod ni Angela ang mga tao sa paligid sa mga ganoong acts nito. Hindi naman niya intensyong pikunin ito pero hindi niya napigilan ang sarili. Hindi niya namalayang nag-eenjoy na siya na nakikita ang mukha nitong namumula sa galit. He saw confusion in her eyes a while ago nang mariin niyang titigan ito. And starting from there ay napansin na niyang na-lost track na ang dalaga at ni hindi na sinasalubong ang mga mata niya. At aaminin niyang ikinatuwa niya sa sariling nagawa niyang galitin ang prinsesa ng sambahayang Martinez. He felt proud na kaya niyang paglabanan ang alinmang atraksyong maaaring magpabalik sa dating pagtingin rito. He need no distraction lalo't malaki ang posibilidad na makuha niya ang posisyong matagal ng inaasaam. By then he could move on the next step. Pero bakit may kudlit ng guilt siyang nararamdaman sa nakitang reaksyon ng dalaga. Something warm na tila nais niyang sundan ito at sabihing hindi niya intensyong pasamain ang loob nito. Napailing-iling nalang ang binata sa naisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD