Zary's POV "Zary" Nanghihinang usal ni Yuri. Nilapitan agad ito ni Bhrint at saka inalalayan. Maraming pasa ang katawan nito at nakasalampak sa sahig. Agad naman dinaluhan ni Brylle si Keniah na walang malay na nakahandusay rin sa sahig. Nasa hallway ang mga ito. Tahimik naman ang buong hospital. "Keniah! Yam! Yah! Wake up!" Tudo yugyog ito ni Brylle at panay gising sa kanya pero wala pa rin, hindi pa rin ito nagigising. Marami rin itong pasa. "Nauntog si Keniah sa upuan ng ihagis ito ng isang malaking lalaki. Hindi namin sila kaya, marami sila. Hindi namin alam kung sino at ano ang dapat namin unahin." Mahinang usal nito. Nahihirapan na rin siya magsalita. Buhat-buhat ito ni Bhrint. "Z-zary, s-si Kuya Zy, b-baka mamatay siya, doon sila pupunta ngayon. Hindi namin sila napigil

