Zary's POV "Pumunta ka dito ngayon." Utos ko sa kausap ko saka ko binaba agad ang phone. Kailangan kong tapusin agad ito. Ayoko ng patagalin pa ito. Nandito ako ngayon sa bahay na tinitirhan ko noon noong hindi pa ako bumalik sa mansion. Simula ng nangyari kagabe hindi na nila ako inabala pa. Wala na akong narinig pa mula sa kanila. Tumunog naman ang cellphone ko. "Bakit?" Bungad ko kaagad sa tumawag sa akin. "Tory? Si Kuya, sinugod sa hospital." Naiiyak na sabi ni Teiph. Napamura ako sa narinig. "Shet! Ano ang nangyari?" Tanong ko kay Teiph habang palabas ng bahay. "Na accidente siya. Nawalan siya ng break pero parang planado ang lahat dahil obvious ang pagkasira ng break ng sasakyan niya." Paliwanag nito, napakuyom naman ako. Sinusubukan nga talaga nila ako. Lumayo na

