Parating na sila Tito at Tita rito sa Mansion. Napagkasunduan namin ng mga pinsan ko na gagamit sila ng kapangyarihan para walang makasunod sa kanila. Nakapaghanda na rin kami ng mga masasarap na pagkain para sa kanila. Ayoko naman na isipin nila Tito na pati sa pagkain ay naghihirap kami. Ngayon ay lubusan na nilang malalaman ang mga katotohanan. Makikita na rin nila si Mom. Mapapatunayan namin na peke ang tumatayong reyna ngayon. "Sa tingin mo ba ay maniniwala sila na ako talaga ang Mom mo?" tanong ni Mom. Lumapit ako sa kaniya. Eto na naman ang pag-aalala niya. Kahit naman anong sabihin ng iba, siya pa rin ang nag-iisa kong ina. Walang ibang makapapalit sa kaniya. Hindi pa rin maiwasan ni Mom na kabahan sa bawat hakbang na aming isinasagawa. Nasa panig naman namin ang pamilya nila

