Bago pa kami tumayo sa pagkakaupo ay bumukas ang pintuan. Akala ko naman kung sino ang dumating, si Sopi pala. "Siya pala si Sopi?" tanong ni Tita. "She's pretty ha? Magaling talagang magdala ng damit." "Siyempre naman po, Tita. Siya po ang pinaka-the best na fashion designer na nakilala ko," saad ko. Kadarating lang ni Sopi. Sakto naman na magdi-dinner pa lamang kami. Agad siyang in-assist ni Mom para umupo sa tabi namin. "Good evening po. Ikinagagalak ko pon na makilala kayo," masayang bati ni Sopi. Nagpakilala naman si Sopi sa kanila at kung paano niya naging idolo si Zoe. Panay asaran lang tuloy ang nangyari dahil kay Kuya. Sobrang kulit niya pala. Akala ko ay seryoso lamang siya sa buhay dahil na rin sa business. Ang sarap pala sa pakiramdam na magkaroon ng ganitong pamilya. H

