Naisipan ko ulit na pumunta sa palasyo para makasiguro na mayroon ngang meeting na magaganap. Maganda na maging updated ako sa mga ganap nila para alam ko ang dapat naming gawin. Mas maganda kung advanced lagi kami sa mga plano. Nadatnan ko sila na kumakain sa dining area. Parang wala sa mood ang tatlo. Bakit kaya? Mayroon ba silang pinag-awayan? Sayang lamang at hindi ko man lang nasaksihan ang puno't dulo ng sitwasyon nila ngayon. "Dad, wala na po ba kayong tiwala sa akin?" malungkot na tanong ni Ella. Humanga naman ako sa nangyayari. Ano kaya ang drama ni Ella at ng impostora ngayon? Pati si Papa ay may issue sa kanila ngayon? Nakapagtataka lamang na problemado sila ngayon. Nakakunot ang noo ni Papa. Hindi niya nililingon si Ella. Patuloy lang ito sa pagkain. Dito ko nakumpirma

