Kung dati ay sa isla nila Jayvril ako namimitas ng mga gulay at prutas, ngayon naman ay sa sariling bakuran na namin. Naisip namin na mag gawa na rin ng gulayan dito sa aming lugar. Mas gusto kasi namin na sarili naming pananim ang aming inaani. Mayroon rin naman kaming mga tanim na bulaklak. Kasama ko pa si Jayvril ngayon sa pagha-harvest ng aming mga pananim. Kada week ay namimitas din ako ng mga bulaklak na panglagay sa flower vase at pangdesign sa kung saan namin maisipan. "Sila Caren at Zoe ang pumili nito. Maganda ba ang aming lugar?" tanong ko. "Para sa akin ay maganda naman ang napili nilang dalawa." "Actually, mas maganda pa nga ito kaysa sa isla. May malinis na ilog din na malapit. Marami kang puwedeng paglibangan dito. Sa pagtatanim pa lang ay siguradong malilibang ka na. Gu

