Kinabukasan ay maaga akong bumangon para maghanda ng pagkain namin. Gusto kong makatikim ulit si Jayvril ng mga pagkain na iniluluto ko. Narito naman ang ilan sa kasambahay para tumulong sa akin. Ilang araw na rin kasi na panay business ang inaatupag ko. Kaya rin kami may kasambahay ay para mabawasan ang mga iniisip namin at ibang gawain. Ewan ko ba, sobrang sipag ko kapag narito si Jayvril. Pakitang gilas na naman ako sa kaniya. Susulitin ko muna ang mga araw na kasama siya rito. "Ang aga mo ata, Anak?" tanong ni Mom. Ngumiti ako sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya ang aking mga niluluto. "Nagawa po kami ng mga pang-breakfast natin. Habang wala pa po ginagawa, nagluluto po muna ako," paliwanag ko. Natawa na lamang kami sa reaction ng isa't-isa. Parang hindi naniniwala si Mom. Nang-aas

