Prologue | Chapter 1

1049 Words
Giving up is not my choice. I did my best but for them, my best is not enough. I'm too tired being a good daughter to my parents. What are the purposes of my achievements if they are only looking at my failures? Did I enjoy my life? Of course not. I did my best to be a good daughter, to be worthy. Secretly crying inside my room is my talent. I hate being compared to my sister. She's not actually my sister because she's just an orphan. It's kinda funny knowing that my parents love my adopted sister more than their real daughter. Subukan ko kayang maging pasaway minsan? Para naman mapansin nila ako. At least napapansin nila ako, kaysa sa parang anino lang ng aking kapatid ang turing nila sa akin. Ang pagkakamali ko lang ang nakikita nila, lubus-lubusin ko na. Hindi rin naman nila ako tinuturing na mahalaga sa buhay nila. Ano pang dahilan para magpakabuti? Sawang-sawa na akong maging mabait. Kahit na minsan ay hindi ko man lang narinig na tinawag nila akong kanilang sariling anak. Mas mahal nila ang Ate ko na hindi namin totoong kamag-anak.  Mayaman kami, sobrang yaman pa nga. Tuwing kakain kami ay kaming apat lang ang nasa hapagkainan.  Iniiwasan nila na maraming makakita sa akin. Minsan pa nga ay nagsusuot ako ng kasuotan ng aming mga tagapaglinis.  "Michandria, kailangan mong tapusin ang pagbabasa ng bagong librong dala ko. Marami kang matututunan diyan," ika ni Ate Ella.  Tumango at ngumiti lang ako sa kaniya. Akala mo naman ay totoong nagmamalasakit sa akin. Gusto niya lang na magkulong ako parati sa aking kwarto at silid-aralan.  "Napakabuti mo talagang anak, Mikaella. Palagi mo na lang iniisip ang kapakanan ng kapatid mo," natutuwang sabi ng aking Ina.  Tahimik lang ako habang hinihintay silamg matapos kumain. Nakasanay na namin na sabay-sabay kaming aalis sa hapagkainan. "Bukas ay may bisitang darating. Napaka-importanteng pamilya kaya sa kwarto ka lang buong maghapon. Padadalhan ka na lang namin ng pagkain," ika ni Ate Ella. Sino na naman kaya ang bisita niya? Masyado siyang maraming kakilala sa labas. "Naiintindihan ko po, Ate Ella. Masusunod po," sagot ko. Ngumiti ulit siya nang pagkatamis-tamis. Pansin ko na lagi siyang masaya kapag may ganap na hindi ako pwedeng makisama. Matagal ko nang ayaw niya sa akin simula nang pinanganak ako.  Lagi niya akong sinasaktan at sinisigawa noon, pero kahit na wala akong ginagawa sa kaniya ay ako pa rin ang ituturo niyang nagsimula ng gulo.  May isang beses na bigla niya akong kinalmot sa mukha. Ako ang duguan, ako pa rin ang pinagalitan at nagkasala sa mata ng aking mga magulang. Ni isang daliri o hibla ng buhok ko ay hindi man lang dumikit sa kaniya. Mabuti na lang at bampira kami, naghihilom agad ang mga sugat namin.  Ako na lang ang laging umiintindi sa kanila. Kahit papaano ay mahal ko sila. Naiintindihan ko na balang araw ay magiging maayos din ang pakikitungo nila sa akin.  Pagkatapos naming kumain ay didiresto sana ako sa ang kwarto. Biglang may humila ng aking buhok. Nasaktan ako sa ginawa niya.  "Ate Ella, bakit mo po iyon ginawa?" mahinahong tanong ko sa kaniya.  Nakataas lang ang kilay niya sa akin, nakahalukipkip pa pagkatapos akong sabunutan.  "Bakit ka pupunta sa iyong kwarto? Hindi ba't sinabi ko na may bago kang tatapusin na babasahin? Nakikinig ka ba?" singhal niya sa akin. Malakas ang loob niyang ganituhin ako dahil wala namang ibang makakakita sa amin. Sekreto lang ang daan papunta sa aking kwarto at silid aralan. Medyo iba lang ang direksiyon ng silid-aralan. "Ate Ella, pwede ko naman po iyang basahin mamaya. Gusto ko lang po munang magpahinga. Mababasa ko naman po iyon kahit anong mangyari. Pwede ko naman pong dahil sa aking kwarto ang mga bagong libro," malumay na paliwanag ko.  Nangningning naman ang kaniyang mga mata, hudyat na masaya siya sa aking sinabi. Buong araw ata siyang masaya. Masyado bang importante ang mga bisita niya bukas?  "Tama iyan, Michandria. Mas magandang sa kwarto mo muna ikaw, lalo na bukas. Hindi ka maaaring makita ng iba. Kaya diyan ka na muna sa iyong kwarto. English ang language ng mga librong binili ko para sa iyo," ika niya.  Sinasabi ko na nga ba na may kinalaman ang bisita niya sa magandang awra niya ngayon. Hindi lang talaga niya maiwasan na hindi ako sasaktan.  Masaya talaga siya kapag nagkukulong ako sa aking kwarto. Para bang isa akong klase ng stress sa kaniya kapag nakikita niya ang aking mukha.  Inilabas niya ang isang materyal na palagi niyang ginagamit. Tila ay palagi siyang may kausap gamit ang materyal na iyon. Base sa modernong libro na nababasa ko, cellphone ang tawag doon. Ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at kung anu-ano ang gamit na iyon.  "Nakikita mo ba ang gamit na ito? Cellphone ang tawag diyan. Malalaman mo ang kahalagahan nito kapag natutunan mo nang gamitin iyo. Sa ngayon ay hindi ka pa pwede, baka gamitin mo lang sa kalokohan. Mahirap na," paliwanag niya, may halong pangkukutya.  Hindi ako umimik. Wala rin naman akong sasabihin sa kaniya. Totoo namang natututo na ako kahit papaano sa modernong aral ng mga tao at bampira, pero hindi sapat iyon.  Gusto kong makita o masilayan man lang ang labas ng mansion. Gusto kong magkaroon ng mga bagong kaibigan.  Inangat niya ang kaniyang kamay at malutong na sampal ang iginawad niya sa akin.  Hindi ko inaakala na magagawa niya sa akin iyon ngayon. Nasa likod niya si Dwayne at hindi man lang niya iyon namalayan?  Lagpas ang tingin ko kaya napalingon si Ate Ella sa kaniyang likuran. Tila nagulat siya na naroroon si Dwayne.  "Masyado ka nang bastos kausap, Michandria. Hindi na ako natutuwa sa iyo. Nagbago ka nang tuluyan. Sayang ang mga paghihirap kong turuan at bigyan ka ng magandang kaalaman tungkol sa modernong mundo," palusot ni Ate Ella, kabadong nagpakawala ng hangin sa kaniyang bibig.  Tuluyan na siyang umalis sa harapan namin.  Tuluyan nang tumulo ang kaing mga luha. Kailan niya ba ako ituturing na parang totoong kapatid?  Yumakap sa akin si Dwayne. Siya lang ang nakaka-intindi sa akin.  "Hayaan mo, darating ang araw na mapapatunayan mong wala kang kasalanan sa mga nangyayari, Ria. Tatagan mo lang ang loob mo," payo sa akin ni Dwayne.  Isinubsob ko lang ang aking mukha sa kaniyang dibdib.  Pagod na ako sa ganitong sitwasyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD