Chapter 11

1121 Words

"Hatid na kita." Napalingon naman ako sa kanya. Nakapamulsa na siya habang papalapit sa akin. Tumuloy lang ako sa paglalakad. Medyo umiinit na kaya sa silong ako dumadaan. Hindi niya maaari makita kung gaano ako nasasaktan sa sinag ng araw. May umuusok kasi sa balat ko kapag nadadaplisan ng kaunti. Biglang may inilabas siyang payong. Inabot niya ito sa akin. "Ang arte talaga ng mga babae. Ayaw magpaitim." Napahinga naman ako nang maluwag dahil yun ang inisip niya. "Ganoon talaga. Mahirap bumalik ang kulay e." Pabiro ko sa kanya para pagtakpan ang kaba ko. May hood siya. Nakajacket rin siya kaya ayos lang sa kanya. Nakapantalon ito at sapatos. Hindi siya bampira. Kung bampira siya, hindi niya iaabot ang payong sa akin. "Sukob nalang tayo?" Tanong ko. Umiling siya. Sabi na, tao talaga si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD