Michandria's POV Wala na naman akong ginagawa. Panay cellphone at pagtambay lang sa bahay ang daily routine ko. Mabuti nalang marunong na akong mamili ng pagkain. Ilang weeks na rin akong tumakas sa palasyo. Mukhang hindi naman ako hinahanap kaya okay lang. Hindi ako kumakain ng kanin o ano. Panay karne lang. Kaso napabili rin ako ng gulay kasi baka may mga taong dumalaw. Kung mabubulok man sa akin, ibibigay ko nalang sa kapitbahay. May kahirapan din naman ang iba dito. "Hello?" Sagot ko sa cellphone. Caren is calling me. "Ria," tawag niya sa pangalan ko. Parang malungkot na banggit niya sa pangalan ko. May problema ba? Kinabahan tuloy ako. "Yes?" "Dumating na kasi si Kuya." Nanlaki ang aking mga mata. Bakit sumakto pa sa pagkawala ko? Hindi ba pwedeng next year na lang siya bumalik?

