"Bampira ka rin?" "O-Oo. Huwag mo akong sasaktan please." Sa tingin ko ay mas bata siya sa akin ng mga dalawang taon. "I will not. What's your name?" Tanong ko sa kanya. Parang lumiwanag ang kanyang mukha. Nginitian ko siya. "Pilosopi Yoo." Beautiful name. "Michandria Greyson." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya kaso nakatulala siya sa aking mukha. Anong problema? "Kaano-ano mo si Princess Michaella at ang dalawag magkapatid na Caren at Zoe?" Nairita naman ako nung narinig ko ang pangalan ni Ella. With Princess pa ah? Halata namang natakot siya sa inasta ko. "Michaella is not a Princess, but a good pretender." "What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong. "I will tell you kapag pumayag kang maging kaibigan ko. Wala pa akong kakilala dito. Mapagkakatiwalaan ba kita?" "Mapagkakat

