Gusto ko na ring maka-usap si Tito sa lalong madaling panahon. Siya ang makakatulong sa pagbunyag ng totoong pagkanilalang ni Ella. Kakausapin ko sila kapag mayroon na akong sapat na ebidensiya. Hindi pala pwedeng magpadalus-dalos ako. "Hindi nila pinapakialaman ang mga pera namin, Ria. Tsaka deserve mo pa nga ang mas magandang buhay kaysa sa ganito e. Simple pa lamang ang bahay na regalo namin. Dapat nga ang Mansion ninyo ang pagmamay-ari mo kung hindi lang ume-eksena ang Ella na iyan," masungit na sabi ni Zoe. "Hayaan mo, babawi talaga ako sa susunod. Babawiin ko ang dapat na para sa akin. Mas deserving pa kayo kaysa kay Ella. Ngayon na alam ninyo na ang katotohanan, dapat mag-ingat kayo. Baka target na rin kayo ng babaeng iyan," ika ko. Kahit pa sabihin nila na hindi nila habol

