Umaga na naman. Hindi kami makakapunta ngayon sa bagong bahay dahil may pasok pa si Sopi. Sa weekend namin planong pumunta roon. Wala namang mawawa siguro sa bahay. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa katotohanan. Dapat pala ako at si Mama ang ipa-DNA test. Kaya pala hindi ko maramdaman ang pagmamahal niya, posible pala na hindi niya ako tunay na anak. Pero bakit ganoon ang pagmamahal niya kay Ella kung ampon lang ito? Sumasakit na ang ulo kaka-isip. Ngayon na mag-isa lang ako, nahihirapan ako na i-divert sa iba ang atensiyon ko. Mamaya ay magpo-post na ako ng unang nai-photoshoot namin kaninang umaga ni Sopi. Gumagawa ako ngayon ng mga hikaw. Namili ako ng mga authentic na silver at gold para naman bumagay sa mga bato na nakuha ko. Paniguradong malaki ang kikitain namin ka

