Nakasimangot agad ako pagkarating sa bahay. Hindi ko nagustuhan ang nangyari ngayong gabi. Sumali ako sa kanilang usapan. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang pinag-usapan namin ni Papa. "Parang stressed na stressed ka, Ria? May nangyari bang hindi maganda?" tanong ni Tita. "Wala naman po. Ang totoo pa nga po ay nahuli na si Carlo. Si Jayvril po ang nakapagsabi sa amin. Dinalaw ko po siya sa palasyo at nangako po ako sa kaniya na tutulungan ko siyang makalabas kapag idiniin niya si Ella at ang impostora. Sinabi ko po na sabihin niyang peke lamang ang babae na iyon," kuwento ko. Kapag naaalala ko ang sigaw sa akin ni Papa, sobrang nadidismaya talaga ako. Ang dali niyang utuin kaya nagawan agad ng mag-ina na iyon na salisihan ang DNA result. Gigil na gigil ako pero pinipigilan ko lam

