Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakatitig ako sa aking kaliwang kamay. Sobrang ganda ng singsing na isinuot sa akin ni Jayvril. Noong nakaraang araw ay tumitingin lamang ako sa mga gamit ng pambata, ngayon naman ay engaged na ako. Parang nag-iba tuloy ang aking pananaw. Excited na ako magkaroon ng pamilya kasama si Jayvril. "Hindi ka siguro makatulog ng ilang araw nang dahil sa surprise, ano?" biro ni Zoe. Ngumiti lamang ako. Nalaman ko na si Jayvril pala ang may pakana ng acting na ginawa nila. Si Mom naman ay nakaplano na paghandaan talaga ako. Si Jayvril lang ang nag-suggest ng surprise at set-up ng handaan. "Dati nga ay sa mga libro ko lamang ito nababasa. Hindi mo naman akalain na mangyayari pala sa akin sa totoong buhay," ika ko. "Naunahan mo pa nga kami nila Kuya at Caren. Pe

