Isang gabi ang nakalipas na hindi man lang umuwi si Jayvril sa condo. Hindi ko rin naman maiwasang magalala kung nasan ba siya naroroon. Sana ay ayos lang siya. Naisip ko na parang nasayang ang paghihintay ko sa kaniya. Pero alam ko rin naman na mali rin ako na hindi ako nag-message sa kaniya na narito ako. Baka umuwi iyon kung sakaling nalaman niya na naghihintay ako. Umuwi muna ako sa amin at nagkulong sa aking kwarto. Hindi ko talaga mapigil ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata. Masyado akong apektado sa mga sinabi ni Jarvis. Hanggang ngayon ay hindi ko maalis sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin. Napahawak ako sa aking singsing at pinag masdan ko ito. Naalala ko pa ang mga sandali na ibinigay sa akin ito ni Jayvril. Sobrang saya namin noong mga panahon na iyon. Hindi ko a

