Ilang araw na ang nakalipas. Totoo nga ang sinabi ni Jayvril na hindi na siya magpapakita sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Kahit sa mga balita tungkol sa kanila ng pamilya niya ay walang lumalabas. Talagang kahit isang bakas ay wala akong masagap mula sa kaniya. Hanggang ngayon ay sobrang sakit ng aking nararamdaman. Akala ko ay siya na talaga ang para sa akin. Ilan araw na akong umiiyak nang dahil sa pesteng pag-ibig na ito. Binigo nanaman ako. Pakiramdam ko tuloy ay dala na ako sa pag-ibig. Parang ayaw ko na ulit umibig. Ngayon ay nakatambay lang ako sa duyan sa may malapit sa ilog. Lagi na lamang akong nakatulala at hindi ko na muna pinapakialaman ang mga issues. Gusto lang muna ngayon ng katahimikan. Ayaw ko muna ng gulo o anomang uri ng ingay. Gusto ko l

