Narinig kong may kumakatok sa pintuan. Hindi ko na lang iyon pinansin.
Paulit-ulit na lang na may mga kumakatok. Sigurado ay nagtataka sila kung bakit hindi nila kayang buksan ito.
Nilagyan ko ng sobrang bigat na aura ang batong pintuan ng aking kwarto. Mahihirapan silang buksan ito.
Bukod tanging si Dwayne at ang mga pinsan ko lang ang makapagbubukas nito. Alam nila ang sitwasyon ko kaya hindi nila hahayaang may makapasok na iba.
Hindi basta-basta bubuksan ni Dwayne ang kwarto ko. Baka nga umalis na iyon kanina pagkatakbo ko sa kwarto. Ganoon lagi ang ginagawa namin, umaalis siya kapag nakararamdam siya na pabubuksan sa kaniya ang kwarto ko.
Maya-maya ay napabangon ako dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad naman nila itong isinarado.
"Ria!" sigaw ni Zoe.
Tumakbo silang magkapatid papunta sa akin. Agad nila akong ginawaran ng isang mahigpit na yakap. Mangiyak-iyak na sila nang makita ako.
"Siraulo talaga ang Ella na iyan! Ang kapal talaga ng mukha para siraan ka sa sarili mong mga magulang. Kakalbuhin ko yan mamaya," galit na sabi ni Zoe.
Ramdam ko pa na mas galit pa sila kay Ella kaysa sa galit ko sa babaeng iyon. Kahit sino naman ay magagalit sa ginagawa ni Ella. Halatang may gusto lang kunin kaya sumisipsip sa aking mga magulang.
"Hindi sapat na kakalbuhin lang siya, kumpara naman sa mga ginagawa niyang kasamaan kay Ria. Dapat sa kaniya, sinusunog ang kaluluwa," kontra ni Caren.
"Sabagay," ika ni Zoe.
Parang nag-iisip ang dalawa.
"May naisip akong magandang plano. Kailangan ko ng tulong ninyong dalawa," saad ko, sabay ngiti ko sa magkapatid.
Tinaasan lang nila ako ng kilay. Hindi ata normal sa kanila na nagsasabi ako ng plano.
"Ano iyang iniisip mo, Ria?" tanong ni Caren. "Parang kinakabahan ako sa gusto mong mangyari."
"Something may thrill pa naman ang gusto mo palagi. Ano ba iyon?" tanong naman ni Zoe.
Matagal ko nang gustong gawin ito. Ngayon na nalaman ko na ang kakayahan nila, alam kong matutulungan nila ako.
"Itakas ninyo ako rito. Tulungan niyo ako, please? Kayo lang ang makakatulong na makalaya ako sa lugar na ito," desididong sabi ko.
Nanlaki ang kanilang mga mata. Gusto rin nila akong tumakas, pero mukhang hindi nila sukat akalain na ako pa mismo ang magyayakag.
"Sigurado ka ba diyan, Ria?" kabadong sabi ni Zoe.
Ngumiti ako sa kanila at tumango bilang kumpirmasyon.
"Kung sabagay, kaysa naman dito ka na forever. Wala namang forever, hindi ba? So go ako sa pagtakas sa iyo, kaso hindi ngayon. Magtataka kasi sila. Kami ang sisisihin dahil kami ang kasama mo ngayon. Though, kami naman talaga ang magiging rason," natatawang sabi niya.
Nakuha niya pa talagang magbiro. Lagi na lang siyang naka walang forever.
"So ganito, aalis kami mamaya. Kunwari ay walang alam sa nangyari. Si Dwayne lang naman ang nagkwento sa amin. Babalik kami ni Caren dito mamaya. Umaga ah? Para hirap silang hanapin ka sa labas dahil maliwanag. Hindi kami dadaanan sa palasyo. Diretso na kami. Gagamitin natin ang ability ni Caren. Hintayin mo kami dito," paliwanag ni Zoe.
Tumango naman ako. Mabuti na lamang ay matatalino rin sila. Silang tatlo lang naman nila Dwayne ang pumupuri sa talino ko.
Nagtagal sila Caren at Zoe sa kwarto ko para hindi magtaka kung bakit mabilis silang umalis sa kwarto ko. Dito rin naman sila tumutuloy minsan, kaso sa ibabang part sila ng palasyo in-assign. Hindi naman sila itinatago ni Tito at Tita
Nagpaalam na rin agad sila.
Minsan ay sumisilip ako sa labas ng pintuan. Tagusan rin naman ang paningin ko
Nakita ko si Dwayne na nakasandal sa tapat ng pintuan.
"Pasok ka?" tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya. Agad kong isinara ang pintuan pagkapasok niya para walang ibang makakita.
"Alam mo na ba ang iba mong abilities?" tanong ni Dwayne.
Tumango naman ako bilang pagkumpirma.
"Kaya pala," saad niyan
Matalino si Dwayne. Malamang maiisip niya ito. Hindi ko alam bakit talinong-talino ang ibang mga bampira kay ate. Matalino lang naman iyon sa pangmamaliit niya sa akin. Hindi naman siya matalino talaga, mautak lang lalo na sa panlalamang.
"Mami-miss kita, Dwayne." Niyakap ko siya. Bigla siyang nalungkot. Alam kong maninibago siya na hindi niya na ako makikita sa palasyo.
Ang higpit na rin nang pagkakayakap niya sa akin. Parang may pumatak na mga luha sa balikat ko. Ayokong isipin na umiiyak siya, baka mahirapan ako sa pag-alis dito.
"Bumalik ka kapag alam mong kaya mo nang pamunuan ang kaharian natin. Hihintayin kita, aking Prinsesa," sambit niya.
Napangiti ako. Kahit na aalis ako, hindi niya pa rin ako iniiwan.
"Oo, babalik ako sa takdang panahon, my knight in shining armor," pang-aasar ko sa kaniya, na siya ring natutunan ko sa kaniya.
Nagtawanan naman kami. Naiiyak ako dahil iiwanan ko yung lalaking matagal nang inaalagaan ako.
"Okay lang maging maldita, Michandria, para lumayo sa iyo ang mga lalaki. Takutin mo sila gamit ang pagtataray at pagmamaldita mo. Suportahan pa kita," biro niya rin, sabay halakhak niya.
Inirapan ko lamang siya pero nakangiti naman ako. Protective lang talaga siya sa akin.
"One last hug please?" pakiusap niya.
Pinagbigyan ko siua. Maiiyak na naman ako. Magkikita pa naman kami ni Dwayne kaso nga lang ay matatagalan.
"Lalabas na ako. Nariyan na sila e," paalam ko sabay turo niya kila Caren na nasa likod ko na.
Inihatid ko naman si Dwayne sa pintuan. Nakatingin lang siya sa aking mga mata.
Ibinaba niya ang kanyang ulo ka-level ng ulo ko. Ang tangkad niya kasi.
Itinapat niya ang labi niya sa tainga ko.
"I love you, Ria," bulong niya.
Napangiti na naman ako dahil ang sweet talaga nitong kaibigan ko.
"I love you too, Dwayne! Mami-miss talaga kita!" Yayakapin ko sana siya kaso pinitik niya ang aking noo at itinulak papasok sa kwarto ko.
Isinarado niya ang pintuan. Nalungkot naman ako bigla.
Lumapit naman ako sa mga pinsan ko.
"Anong binulong sa iyo ni Dwayne? Ayaw iparinig sa amin e," tanong ni Zoe. Napa-isip naman ako. Baka magselos si Caren.
"Sabi niya ma-mimiss daw niya ako," pagsisinungaling ko. Isa pa, bilang kaibigan lang iyong sinabi ni Dwayne.
"Ay kailangang gumanon pa? Kainis siya ha?" nakasimangot na sabi ni Zoe.
"Zoe, ganoon talaga. Tsismosa ka e," asar ni Caren, sabay tawa.
"Tara na," yakag ni Zoe.
"Wait. Pwedeng mag-request?" tanong ko.
"Ano iyon, Ria? Isa lang ah," natatawang sabi ni Caren.
"May ginawa kasi akong pekeng ahas at palaka," sabi ko.
"Yuck naman, Ria! Bakit mo naman sinasabi yan sa amin?" sabi ni Caren.
"Ilagay natin sa kwarto ni Ella," proud pa na sabi ko.
Tinaasan nila ako ng kilay. Mukhang nalilito sa gusto kong ipahiwatig.
"Ay kailan ka pa natutong hindi gumalang?" tanong ni Zoe.
"Ngayon lang. Tara na. Huwag nang maarte! Tulungan niyo ako," pakiusap ko.
Sabay nila akong inirapan. Hindi nila alam na gumagalaw ang nagawa kong palaka at ahas kaya napairit sila. Tawa naman ako nang tawa. Sinigurado ko rin naman na walang makaririnig sa amin.
Ang sama ko ba? Bagay naman kay Ella iyon. She's not my sister anymore. Bakit ko pa siya tatawaging Ate kung hindi ko naman talaga siya Ate? Hindi rin naman niya ako itinuturing na kapatid. Kapal din ng mukha niya, ako pa talaga pinili niyang abusuhin. Lalaban ako hanggang kaya ko. Babawi ako.
Nailagay naman na namin ang mga nagawa namin. Halos masuka-suka na sila bago pa matapos iyon. Nagmadali kaming makaalis at baka maabutan pa kami.
Narinig ko kasi dati si Ella na nagkukwento tungkol sa mga ayaw niya. Maganda pala na talagang naaalala ko ang mga kinaaayawan niya.
"Uy, Ria. Uupa na lang tayo ng apartment. Iyong ikaw lang ang mag-isa sa apartment. Dito ka sa Vample titira, para mahirapan silang hanapin ka. Malayo kasi sa Palasyo. Lagi mo rin itong isuot ah?" Inabot sa akin ni Caren ang isang eye glasses. "Or kaya naman eto," dagdag pa niya.
Binigyan din niya ako ng contact lenses.
Ang Vample ay ang lugar kung saan ay halo ang bampira ay ang mga tao.
"Thank you cousins!" saad ko.
"Kami na ang bahala sa babayaran mo rito. Eto ang extra pera para may pambili ka ng mga damit sa mall. O kaya naman ay kami na lang ang bibili. Magkakasing-sexy naman tayo e. Hindi katulad ni Ella na akala mo 'di na lulutang sa tubig," maarteng sabi ni Zoe.
Napailing na lang ako kay Zoe. Kahit kailan talaga ay napakamaldita nito pagdating kay Ella.
"Maraming salamat. Hayaan niyong bumawi ako. Ngayon ko lang mararanasan ang ganitong buhay, iyong normal lang. First time makabibili gamit ang pera. Pangako ko na babayaran ko kayo," sambit ko
"Ano ba? Parang hindi magpinsan. Maliit na halaga lang iyan. Bibigyan ka pa namin sa susunod. Alam mo namang pagmamay-ari natin ang isa sa pinakamalaking business sa buong mundo. I mean may ka-level tayo kaso hindi ko alam kung sino ang may-ari ng isa. Though hindi natin sila kakumpetensya dahil iba ang business nila. Akalain mo iyon, bampira na, kapitalista pa."
"Sabagay tama ka Caren kaso sa inyo ni Zoe na pera yan e. Alam kong mayaman tayo kaso nakakahiya pa rin sa inyo."
"Nakakainis naman ito e. Basta huwag na." Tumango naman ako. Hindi ko akalin na bibigyan nila ako ng isang milyon. Bigla na nga lang nila iyong inilabas kung saan e.
Itinago kong mabuti ang pera. Every week daw ay bibigyan nila ako ng 1 million. Sobrang laki nun. Kaya ko naman ang isang milyon sa tatlong buwan. Ayaw lang nilang magpaawat.
"Remember, never use Michandria as your name." Paalala ulit ni Zoe.
"Bakit kasi?"
"Baka kasi gamitin ka ng masasamang bampira laban sa mga magulang mo. Alam mo naman kung gaano kalupit ang mga iyon. Halos kasuklaman na ng iba." Yeah. Masama sila. Naging ganoon lang naman sila gawa ni Ella. Kung hindi niya didiktahan ang mga iyon ay hindi sana mangyayari yon.
"Stop that. Hindi ko sila magulang."
"Okay okay!"
"Kailangan na naming bumalik. Baka magtaka sila. Magpapaalam na kami. Bye!" Hinalikan at niyakap nila ako bago umalis.
Lumabas naman ako para tingalain ang langit. Ang ganda talaga. May bituin pa akong nakikita. Napalingon naman ako sa cellphone na binigay nila sa akin. S7 edge ito. Hindi ko alam masyado gamitin ito. Tinry ko itong kalikutin hanggang sa makita ko ang camera.
Kinuhaan ko naman ng larawan ang langit.
Ang sarap mamuhay mag-isa. Yung malayo sa mga nanakit sa akin.
"Pangako kong hinding-hindi na ako magpapaapi. Lalaban ako. Hindi ako dapat kaawaan. At hindi dapat ako magkaroon ng awa sa iba."